Category Archives: kritiko’t kritikang Filipino

Saysay at Salaysay ng Pantawang Pananaw mula Pamumusong Hanggang Impersonasyon

ni rhod v. nuncio

- Sinipi mula sa masteral tesis ng awtor na nailimbag sa Sangandiwa (2004)at Malay (2005).

Our literary tradition is unique in a way. Although all oral and written literature…may be said to reflect the complex sectoral conflicts of any historical period, our literary tradition has developed in constant engagement with urgent sociopolitical debates. It has been engaged in criticism, in questioning and protest, in resistance through comic, satiric and other devious ways.

- E. San Juan, History and Form 

Dalumat at Saysay

Mariing pinapahalagahan ang kakayahan ng tawa upang pagaanin at pasayahin ang kalagayan ng buhay ng tao. Sa tawa lamang, ika nga, may redempsyon mula sa problemang kinahaharap ng sinuman. Sa ngiti, hagikhik o halakhak naibubulalas ang tanging paggapi sa kalungkutan. Sa tawa nagkakaroon ng pagtudling sa sakit at pag-ahon upang purgahin ang emosyon ng tao mula sa kabigatan ng saloobin o damdamin. Di ba nga’t tinaguriang isang therapy ang pagtawa? “Laughter is the best medicine and humor is the spice of life” (Batacan 1966). Kung susuriin nang mabuti ang tawa ay isang mekanismo ng damdamin na nagbibigay laman sa puwang o guwang sa damdamin ng isang malungkuting tao o di kaya’y yaong naghahanap lamang ng kasiyahan sa buhay. Kung kaya’t, mahihinuha sa sikolohiya ng tao ang pag-imbento niya ng mga kaparaanang magpapaaliw sa kanya. Dapat may objek na pinagmumulan ng aliw, may mga persona o maskara na nagtatanghal at may mga pangyayaring nagiging tampulan ng kasiyahan. Ito ang naging dahilan marahil kung bakit naging pamoso ang matsing sa mga kwentong bayan at ilang pabula na kinawiwilihan sa bayan-bayan. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng payaso, pusong, kengkoy, aktor sa entablado o saan man ay naging popular sa pagbibigay kasiyahan. Ang eksenang nadulas, nadapa, nahulugan ng mabigat na bagay at marami pang iba ay mga pangyayaring nagdudulot ng katawa-tawang reaksyon sa iba. Maging ang paghahalo ng imahinasyon at libido ng tao upang kilitiin ang sexual na sensibilidad ay nagiging katawa-tawa rin; ito ang tinaguriang green jokes o toilet humor. Maaaring may nakaligtaang isama sa ganitong paggalugad sa penomenon ng tawa subalit ang kalikasan at kakayahan ng tawa upang magbigay ng aliw ay isang malawak na terrain sa sikolohiya. Ang mga halimbawa sa itaas ay mahalagang nabanggit upang bigyan ng pagtatasa o kaibahan sa isang uri ng tawa o pagpapatawa na nakaangkla hindi lamang sa damdamin o emosyon ngunit maging sa kamalayang Pilipino. Sa paggamit ng salitang ‘pananaw’ tumutukoy ito sa pag-iisip ng tao. Kung ang tawa ay reaksyong pandamdam, patungkol naman ang pananaw sa kaisipan. Pinagninilayan o pinag-iisipan ng isang tao ang pagkakaroon ng pananaw. Higit pa sa isang opiniyon lamang ang pananaw ng isang tao, isang pagbasa o interpretasyon ito sa nangyayari sa kanya at kanyang kapaligiran. Inaarok ng isipan ang kahalagan o kabalintunaan ng isang pangyayari o kaalamang naging malaki ang epekto o kinahinatnan sa sariling buhay, pakikipag-ugnayan sa iba at sa sandaigdigan. Kung isang interpretasyon o pag-unawa ang pananaw, isasakontexto ito bilang kritika. Naiiba ang kritika sa komentaryo sapagkat pinagnilayan ito nang husto at hindi lamang puna nang puna sa nakikita o nararanasan. Ang kritika ay interpretasyon o pagbasa sa karanasan, texto, kultura na inuunawa sa perspektiba ng kamalayan. Hindi neutral na salita ang pananaw sa pagbasang ganito. Kritikal na pagbasa ito at nakaugat sa kontextong panlipunan. Ang pantawang pananaw ay nangagahulugang tawa bilang kritika sa mga isyu at tauhan sa lipunan. Kung kaya’t isang pagbasang kritikal ng kamalayan (pagsasanib ng damdamin at isipan) ang pantawang pananaw, ng isang taong mulat sa nangyayari sa lipunan. Ang pantawa bilang ‘pan + tawa’ ay pag-angkin at pantukoy sa kakanyahan at kakayahan ng tawa bilang kritika. Tinaguriang pantawang pananaw ang ganitong kalikasan at kakayahan. Ang tawa bilang catharsis ay masasabing panandalian—isang comic relief. Ang pantawang pananaw ay nakakabit sa kamalayan at diwa ng mga Pilipino. May limang elemento ang pantawang pananaw. Ito ang: (1) midyum, (2) kontexto, (3) kontent o anyo, (4) aktor, at (5) manonood. Isang diwa ng karanasang Pilipino ang pantawang pananaw. Nakapaloob ito sa karanasan ng tawa bilang kritika, bilang pagtuligsa sa kapangyarihan at kaayusan sa lipunan na mababakas mula pa sa oral na tradisyon, bago pa dumating ang mga Kastila, hanggang sa paglaganap ng mass media ngayon. Ang bahaging ito ay tumutukoy sa midyum ng pantawang pananaw. Ang midyum ay daluyan na kung saan nagiging laganap o natatangi ang pantawang pananaw. Kasama rin sa elementong ito ang lunan o situs ng daluyan, halimbawa, sa entablado, kalye, radyo at telebisyon. Samantala, nakapaloob sa daluyang ito ang iba’t ibang anyo na kinabibilangan ng kwentong bayan, entremes, sainete, drama, bodabil, dulang panradyo at impersonasyon bilang palabas sa telebisyon. Ang mga nagsisiganap o mga aktor, karakter ang tinaguriang mga pusong, aktor/komedyante at impersoneytor. Ang mga isyung panlipunan na tumatahak sa sosyal at pulitikal na kalagayan ng bansa ang bumubuo sa kontexto ng pantawang pananaw. Ilang Katangian ng Pantawang Pananaw Isang pagbasang kritikal. Katulad nang nabanggit na hindi lamang pagtawa na walang kontexto ang pantawang pananaw. Itinataas ito hindi lamang bilang sa aspektong emosyunal, kundi bilang isang kritikal na pagbasa na tumatarok sa kamalayan at kaisipang Pilipino. Subjektibong pagbasag sa imahe at katawan. Masasabing isa itong pagkwestiyon sa katauhan, kaligiran, katawan, at kaayusang panlipunan bilang objek ng tawa at pagtuligsa. Winawasak nito sa ganitong kritikal na pagbasa ang imahe ng kapangyarihan bilang kahinaan o ang kapangyarihan bilang imahe ng kawalang kapangyarihan. May kasaysayan. Masasabi nating nakatuon sa pangyayaring historikal ang pagkukwestiyon sa imahe o katawan ng kolonyalismo (pahanon ng pananakop) o komersyalismo (panahon ng kulturang popular). Nagpapabago ng kahulugan ang pantawang pananaw sa tayo o poder ng karanasang kolonyalismo o komersyalismo. Intersubjektibo. Nangangailangan ng kapwa o sabjek na tuwirang babasa at magkikritika gamit ang pantawang pananaw. Ang ganitong paraan ay nangangahulugan ng walang humpay na pagbasa ng manonood, tagapakinig at sinuman upang makapagbigay ng tuloy-tuloy na panlipunang kritika. Intertextual at Reflexibo. Nangangailangan nang pagiging bukas ng ilang texto upang magamit sa pagpapakahulugan at pagkatuto sa mensahe o simbulo sa alinmang diskurso. Kung kaya’t mahihinuhang naglalakbay ang pantawang pananaw mula sa kwentong bayan hanggang sa kulturang popular. Samakatuwid, hindi lamang masasabing isang genre o anyo ng panitikan ang pantawang pananaw, sapagkat nakabukas sa iba’t ibang anyo at daluyan sa karanasang Pilipino ang pagiging texto nito bilang pagbasa. Maaari rin kasing isama ang komiks, comic strip na makikita sa mga pahayagan, pelikula at iba pa. Kung tutuusin, isang magandang paksa sa iba pang pag-aaral ng pantawang pananaw ang isama ang ilang nabanggit na anyo. Subalit nakatuon lamang sa limitasyon ng pag-aaral na ito ang konsepto at praktika ng pagtatanghal at palabas gamit ang pantawang pananaw, partikular sa impersonasyon. Sa bandang huli ang puntos ng intertextualidad sa pagdulog ng pantawang pananaw ay masasabing paglulugar at paglilinang sa ugnayan ng kapangyarihan, karanasan, kaalaman, diwa, at katauhan upang isakontexto ang pakay ng pag-aaral na ito.

Salaysayin

Tungkol sa impersonasyon bilang pantawang pananaw ang pag-aaral na ito. Nakatuon sa kasalukuyan, sa napapanahong isyu at tauhan sa lipunan ang pagbasa ng impersonasyon. Subalit bago natin patibayin ang kasalukuyang diskurso, diwa, dalumat at pagbasa ng impersonasyon kinakailangan muna nating balikan ang salaysay at saysay ng pantawang pananaw. Isang dalumat ito ng pagbasa – isang reflexibo at kritikal na pagsukat sa nangyayari sa lipunan, sa mga tauhan sa lipunan. Upang mabigyan ng katuwiran ang kasalukuyang pagbasa sa impersonasyon bilang pantawang pananaw, marapat na alamin kung bakit naging reflexibo sa tala ng kasaysayan ng dula at panitikan ang pantawang pananaw. Ang dalumat na ito ay isa na mismong pagteteoryang politikal, sosyal at kultural. Nakabalot sa tradisyon at kultura ang panitikang nagbibigay ng pakahulugan, puna at deskripsyon sa nangyayari sa lipunan. Sa ganitong analisis, nakatuon sa isyu at tauhang sumasagisag sa o bumubuo ng lipunan ang panitikan bilang texto. Ang texto na umuugma sa samu’t saring pakahulugan at ganap na impluwensya nito sa kalakaran ng mga tao at institusyon, politika at kultura ay masasabing may kaganapan sa paglipas ng panahon. Kung kaya’t ang pantawang pananaw bilang dalumat ng pagbasa ay magsisilbing diwa sa pag-uunawa sa kaganapang sosyo-politika sa pamamagitan ng tawa. Mahalaga ito sapagkat bilang dalumat gustong ipahatid ng pag-aaral na ito na namumutawi na ang pantawang pananaw sa talastasan o kwentuhan at pagtatanghal bago pa man dumating ang mga Kastila. At nagpapatuloy ito sa ngayon sa mga palabas sa telebisyon bilang isa sa mga bumubuo ng kulturang popular. Bilang isang diwa, nakapaloob na sa damdamin at isipan ng mga Pilipino ang pagpapatawa bilang pagbatikos sa kolonyal na kapangyarihan. Makikilala ang pantawang pananaw mula sa mahabang naratibo ng karanasan at kasaysayan ng mga Pilipino. Sumasabay ito bilang diwa at dalumat sa iba’t ibang anyo at genre ng panitikan. Hindi naman masasabing isang likas o lantay na uri o anyo ng panitikan ang pantawang pananaw dahil sa pagiging reflexibo at daynamiko nito sa takbo ng panahon. Kasama gayundin, bilang bahagi ng kritikang intertextual ang pakahulugan, deskripsyon at puna ng pantawang pananaw bilang isang pagbasa sa pagkaka-ugnay mula dula at pagtatanghal hanggang sa palabas sa mga isyung politikal at kultural ng isang bansa. Samakatuwid, isang kritikang panlipunan ang tawa bilang pananaw na maaaring sabihing impluwensyal upang makapagdulot ng malalimang repleksyon at pagsusuri sa gitna ng pagtawa o paghalakhak. Bilang isang pagbasa ang mananaliksik ay gagawa ng sarbey sa paglilinang sa salaysay at saysay ng pantawang pananaw. Hindi nagtatakda ng isang ganap na kasaysayan ang gagawing pagtalakay dito. Layuning bumuo ng sarbey ang pagsasalaysay na ito mula sa naitalang naratibo, kuwento o texto. Kasama rito ang pagtalima sa dalumat ng pantawang pananaw sa pagbabalik mula sa nakaraan. Hahatiin sa dalawang punto ang gagawing paggalugad sa nakaraan. Kabilang sa sarbey na ito ang mga sumusunod: (1) Pusong mula sa kwentong bayan, (2) entremes at sainete mula sa komedya at sarswela, (3) drama, (4) comedy skits mula sa bodabil, (5) dula mula sa programang panradyo at (6) palabas sa telebisyon na may impersonasyon. Magandang balikan ang ilan sa mga datos na nagpapatibay sa ganitong penomenon ng tawa na hindi lamang bilang pang-aliw sa manonood bagkus, isang pagpuna o kritika rin. Mula sa Kwentong Bayan—Ang Pusong Mayaman at laganap ang mga kwentong bayan sa oral na tradisyon. Pasalin-salin sa bukambibig ng mga taong pinanggalingan, tumangkilik at tumatangkilik pa rin sa mga kwentong ito. Bilang daluyan ng pantawang pananaw masasabing nagsimula pa noong bago pa man dumating ang mga Kastila (ika-16 siglo pababa) ang mga kwentong bayan na ito. Kung tutuusin ang pagsusuri sa kontexto nito ay bilang isang social praxis. Bago man ito tinaguriang isang panitikan, isang matibay na kinagawiang tradisyon at pamumuhay ang pagsasalin ng kani-kanilang kaalamang bayan. Ayon kay F. Lando Jocano ang tradisyong oral ng mga Pilipino ay nagbubunsod sa isang malakihang rekonstruksyon ng panlipunang kontexto ng sinaunang kasaysayan. Nakapagbibigay din ito nang mas mahusay na pag-uunawa sa mga detalye ng ganitong tradisyon sa kasaysayan na kung saan nagsisilbing pundasyon ng kasalukayang kultura at lipunan ng mga Pilipino (sa Manuud 1967). Samakatuwid, ang puno’t dulo ng tradisyong oral ay nasa kaligirang panlipunan na tumatalakay sa buhay-buhay, kustumbre, paniniwala, sining at spiritualidad. Isang malaking dagok kung ituturing na primitibong panitikan ang kabilang sa ganitong tradisyon. Mahirap tukuying isang primitibo ang anyo ng kwentong bayan, at isang lipunang walang sistemang panulat ang pinanggalingan nito katulad nang nabanggit ni Arsenio E. Manuel. “The best examples of primitive literature may be found on non-literate societies. Illiterate bearers carry on the traditions supposed to have been transmitted through the ages for generations…because these traditions are oral or verbal. A collection of such traditions may be labelled primitive literature” (Manuud 1967: 255). Sa katunayan, tumuturol lamang sa aspekto ng panahon o peryodisasyon ang konsepto o lebel na primitibo. Subalit ang nilalaman ng nasabing tradisyon ay hindi. Sa ganitong argumento, masasabi bang ang nilalaman ng ating kultura sa ngayon ay magiging primitibo makalipas ang limampu o isandaang taon? Hindi pa patay ang tradisyong oral sa ngayon, bagkus nakikipagsabayan pa ito sa ilang bahagi ng bansa, lalung-lalo na sa mga probinsya. May sistema rin ng pagsulat ang mga sinaunang Pilipino. Hindi lamang patungkol sa pagkakaraoon ng alpabeto o wikang napreserba sa panitik ang sistema ng panulat (baybayin/alibata). Ang tradisyong ito ay namayani sa paninimbulo sa gawang sining at kilos ng mga tao noon. Kasama sa paninimbulong ito ang mga nakakatawang kwentong bayan ukol kay Juan Pusong o Suan ng mga Tagalog at mga Kapampangan, Juan Usong (Osong) ng mga Bikolano, Juan Pusong ng mga Taga-Bisaya at Sulo; at Pilandok ng mga taga-Maranao (Eugenio, 1989). Bakit paninimbulo? Dahil sa kwentong bayan mahirap tukuyin kung talagang nangyari ang mga salaysaying ito sa kanilang karanasan o kasaysayan. Bagkus, malalaman ang mensahe ng mga nakakatawang kwentong bayang ito sa pagsipat sa tawa bilang kritika sa karanasan at kultura ng mga sinaunang Pilipino. Gamit ang ginawang koleksyon ni Eugenio, susuriin sa bandang ito ang tatlong kwentong bayan ng Pusong na nagmula sa mga Cebuano (369-370), Waray (370-371) at mga Muslim ng Sulu (379-380). Tingnan ang balangkas ng naratibo ng tatlong nabanggit. Sa kabuuan, ang pinakabuod ng kwentong ito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ni Juan Pusong at sa kanyang pakikipagtunggali sa hari o datu sa pamamagitan ng pagbibiro at pagiging tuso. Sa bandang huli, ang kanyang katawa-tawang pagbibiro ay nagdudulot sa kanya ng kapahamakan ngunit sa ganito ring pagbibiro siya nagwawagi. Mga Kahulugan ng mga titik o unit ng naratibo: A – bida B – ang Hari o taong binibiro ni Juan T – mga nakakatawang pagbibiro X – tunggalian o konfrontasyon ng A at B C – tagapamagitan, maaaring isang tao o hayop Ct – panggogoyo o pagbibiro sa tagapamagitan Y – pagtakas ng bida Yt – panloloko o pagbibiro muli ni A kay B Z – konklusyon ng kwento Cebuano Waray Muslim ng Sulu A Pusong Pusong Posong B Hari Hari Sultan at Pitong datu T Pinutol ang buntot ng mga baka at binaon sa putikan. Sinabi sa hari na nalunod ang mga baka. Gustong makuha ang pabuya ng hari sa pamamagitan ng pagpapanggap na may lorong nagsasalita. Biniro at nakipagtalik sa anak na babae ng Sultan isang gabing umuulan. X Nalaman ng hari ang kalokohan ni Juan at inilagay siya sa hawla at pinatapon sa dagat. Kahahabol ng hari sa loro siya ay napunta sa dumi ng mga hayop. Hinuli si Juan at itinale sa poste. Pumunta sa pitong datu na nagpapagalingan para sa kamay ng dalaga at sinabi ni Posong na nakipagtalik siya sa anak ng hari na kasing sarap ng nganga. Hinabol siya ng mga ito. C Isang lalaki Prinsipe Mga mababangis na hayop sa gubat Ct Inalok na ikakasal ang lalaki sa anak na babae ng hari kung makikipagpalit ng puwesto. Inalok ang Prinsipe na mamili sa mga anak na babae ng hari upang pakasalan Sa hudyat ng gong nang tamaan ng mga karibal ni Juan nagising ang mga natutulog na mabangis na mga hayop. Y Nakatakas si Juan at bumalik sa hari Bumalik si Juan sa hari na nakasuot nang marangyang kasuotan mula sa prinsipe Nakatakas si Juan mula sa mababangis na hayop at sa mga karibal niya. Yt Sa panloloko uli ni Juan sinabi niyang hinahanap ng mga kamag-anak ang hari sa ilalim ng dagat Sinabing maraming ginto at kayamanan sa ilalim ng dagat Z Ipinatapon ang hari sa dagat at si Juan ang naging bagong hari Initusang itali at itapon ang hari upang makita nito ang mga kayamanan sa ilalim ng dagat Nilamon ng mga mababangis na hayop ang pitong datung karibal ni Juan. Anong paninimbulo o signos meron ang mga kwentong nabanggit? Gamit ang mga talang pangkasaysayan at ibang panunuri sa kalagayan noon ng mga Pilipino, babasahin natin ang texto sa punto de bista na ibinigay ni William Henry Scott (1982) at sa perspektiba rin ng dalumat ng pantawang pananaw. Ayon kay W. H. Scott, hindi totoong mahirap balikan ang kasaysayan ng mga sinaunang Pilipino, dahil lamang sa itinakda ng mga Kastila na wasakin ang mga labi ng kalinangang panulat o oral at kaalaman noon. Ang mga Kastila ang may monopolyo sa pagbubuo (o pagwasak) ng panibagong kaalaman upang gahasain ang kultura, kasaysayan at kamalayan noong panahong iyon. Subalit may mga guwang sa texto (cracks in the parchment) na maaaring basahin batay na rin sa oral na tradisyon na naging daluyan ng mga kwento kay Juan Pusong, at batay na rin sa ginawang koleksyon ni Eugenio (1989). Ano ang maaaring ipasok sa pagbasa ng mga guwang na ito? Patungkol ang unang paliwanag sa pag-usisa upang mang-uyam at manudyo sa harap ng may kapangyarihan, i.e., karaniwan ang hari o sultan. Kung susuriin nang mabuti si Juan Pusong ay isang ordinaryong tao lamang na mahilig magbiro hindi sa katulad niya (sa kontexto ng nabanggit na kwento), kundi sa katauhan ng mga hari at datu—silang mga angat sa estado sa lipunan. Maaaring hindi totoo subalit sino naman ang makakapagsabi, gayong dumaan sa mahabang panahon ang pagsasalin sa bibig ng ganitong kwento. Kung tutuusin sa pagdating ng mga Kastila at sa ilang anyo ng dula na galing sa Espanya, ang pamumusong ay naging kasakasama bilang komentaryo sa pagtatanghal. Isang patunay na ang pusong at pamumusong ay bahagi ng pagganap at paggamit sa wikang oral. Sabi ni Feldman: “And these events, as signal social events, not only take place in, but…are made by their characteristic forms of talk, for these forms of talk are much like those other event-making forms of language” (1991: 49). Kung kaya’t maisasama sa pagtatanghal ang mga kwentong pusong sa dahilang sa pamamagitan ng pagkukuwento at pagsasalin-salin nito sa ibang bibig, ang kaganapan ng buhay at kaisipan ang naipapaabot sa ibang nakakarinig o nakakaalam. Hindi ang pagkamito ng kwento ang punto rito bagkus, nakatuon sa mensahe at simbulo laban sa imahe ng kapangyarihan. Katulad sa Sulo, sinabing lumaganap ang kwentong Pusong noong panahong nanungkulan ang isang sultang diktador o autokratiko. Maipapalagay na gumamit ng kwentong Pusong ang mga tao noon upang paglaruan ang imahe ng Sultan at upang ilabas ang kanilang saloobin sa kagustuhang makaganti sa katauhan ni Juan Posong (Eugenio, xxxv). Umaangkop sa pantawang pananaw ang katauhan ni Juan Pusong bilang aktor sa pagpapatawa at pagbibiro. Sinusumbatan ng kwento ang kapangyarihan sa katauhan ng isang tuso at mapagbirong tao. Si Pusong o Posong ay isang karakter na masasabi nating binuo sa tradisyong oral at gumamit ng pang-aasar, panggagaya o pagpapanggap at panloloko. Subalit hindi dapat tingnan sa negatibo ang mga katangiang ito ni Posong, tulad ng depinisyon nina Hart at Hart: [Juan Pusong] “is…a scampish young Filipino trickter, whose swindles, notorious escapades, and practical jokes are always amusing, frequently off-color, sometimes obscene but rarely villainous” (sa Eugenio 1989: 315). Maituturing na isang pagtingin sa kapangyarihan ng tawa o pagpapatawa ang mga kaparaanan ni Posong. Nakakatawa nga ang mga ito dahil ginagawa nitong mangmang ang hari at sa bandang huli si Posong ang humahalili at nagwawagi. Katangian ito ng pagsubvert at pagbaligtad sa kapangyarihan. Na kahit sa panahon noong bago pa dumating ang mga Kastila, ang mga sinaunang Pilipino ay nagpapatawa at nagbibiro na upang kwestyunin ang nasa kapangyarihan. Ito ang guwang sa mga kwento at kasaysayang, maituturing, patungkol sa kamalayan at karanasang Pilipino noon. Batid pa nga ni F. Landa Jocano na: “Oral folk literature functions in society as a means through which the people’s faith in the efficacy of their tradition is affirmed, and their convictions strengthened. It constitutes the framework of meaning and values in terms of which the people interpret their experience and guide their actions” (Manuud 1967: 307).

Ultraman ba kamo?

Unang-una,  lubos akong nagpapasalamat sa mga taong dumating sa lunsad-aklat ng aking kauna-unahang nobela noong Agosto 27, 2009 sa Tereso Lara Seminar Room ng Pamantasang De La Salle-Maynila. Kay Dr. Beth Morales-Nuncio na tinanggap ng buong puso ang regalong ito sa kaarawan niya, kay Dr. Fanny A. Garcia na bumansag ng “flash novel” sa akda ko, Kay Dr. Josefina Mangahis na unang tumawag sa aking nobelista, kay Wena Festin na napraning sa isang karakter sa nobela at siya na ring nag-edit ng manuskrito, kina Rod Yabes at Randy Nobleza na tinawid ang Maynila mula UP Diliman, kay Dr. Omel Hernandez sa ilang detalye ng salin at pagbabalik-kasaysayan, Dr. Yum Demeterio na nag-emsi, kay Dr. Isagani Cruz na hinabol ang okasyon kahit tapos na ito, sa mga kaguro sa Departamento ng Filipino at mga estudyanteng Lasalyano  – maraming-maraming salamat po sa inyo!

Nang binasa na nina Beth, Wena, Omel ang paborito nilang bahagi sa nobela, naramdaman kong nakahiwalay na sa akin ang texto. Naiilang ako’t naninibago. Ganoon pala iyon, kapag tapos nang isulat – nagbabagong-landas ang akda, bumibitiw sa may-akda. Dati rati’y abstrakto ko lang itong nalaman sa mga babasahin sa kritika. Iba kung ikaw na ang lumikha. Sabi ni Dr. Fanny iba ang boses ng mambabasa sa boses ng manunulat. Kaya nang sinabi niya sa akin na tawa siya nang tawa nang binabasa niya ang akda, di ko alam kung bakit. Alam kong seryoso ako noong sinulat ko iyon. Gayon din si Beth, walang humpay sa katatawa. Ginamit ko raw ang estilo’t dulog ng “pantawang pananaw” na dinalumat ko sa MA tesis ko sa UP. Basta ang genre ko’y detective fiction na political thriller din. Binalikan ko ang diktador ng batas militar, si Presidentita, ang Presidenteng Heneral, artistang Presidente at si President Laine Monteclaro-Santos.

Bakit kailangan ninyong basahin ang nobelang ito?

1. Wala lang dahil siguro trip ninyo.  Ayokong mamilit. Sabi nila kauna-unahan ang ganitong klase ng nobela na tahasan at lantarang sinangkot ang mga politikal na tauhan (direkta man o alusyon lamang) ng ating bansa.

2. Mabilis ang takbo ng istorya. Walang paligoy-ligoy. Kaya’t di mabitaw-bitawang basahin ng mambabasa. Nakatulong din daw ang magaang na pagkagamit ng Filipino. May ilang Ingles din pero kailangan kasi sa kuwento.

3. Huhulaan ninyo kung sino si ganito, ganire, ganoon? Sino ang pumatay, nagpapatay? Ano ang motibo? Bakit pinatay? Sino ang nakatuklas ng krimen, sabwatan, kudeta, at planong asasinasyon sa Pangulo ng bansa?

4. Ginamit ang mga lokal at pamilyar na lokasyon ng kuwento – DLSU, UP, Ateneo, Malacanang, US Embassy, PNP, AFP, Maynila, QC, Makati, Caramoan CamSur at marami pang iba.

5. Pakakaabangan ang “twist” ng kuwento. Meron ba? Ano at sino si Ultramar? o Ultraman?

6. Trilohiya ito. Dalawang nobela pa ang susulatin ko, tampok na bida pa rin ang professor na taga-La Salle. Yung ikalawang nobela, naibunyag ko na kay Dr. Isagani ang plot. Abangan na lang ninyo!

Sana’y mabasa ninyo. Kung meron mang pagkukulang o pagkakamali ang nobelang ito, inaako ko po ang mga ito…

Panels & Schedules of the 1st DLSU Graduate Students’ Conference

Departamento ng Filipino, Research & Publications Office of the

College of Liberal Arts and  DLSU-CHED Zonal Research Center

 

The 1st DLSU Graduate Students’ Conference

Kaisipang Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina sa Loob at Labas ng Bansa

(Filipino Ideas Across Disciplines in and beyond the Philippines)

 

June 26-27, 2009

Yuchenco Lecture Hall 408,

Yuchengco Rooms 504 & 505

 

 

JUNE 26, 2009 (FRIDAY)

 

7:30-8:15 am

 

Venue: Yuchengco Hall Lobby

 

 

 

Registration & Snack

 

8:15-9:00 am

 

Venue: Y408

WELCOME ADDRESS

Br. Armin A. Luistro, FSC, President & Chancellor, DLSU

 

OPENING REMARKS

Dr. Jose M. De Mesa, Full Professor, DLSU

 

OFFICIAL OPENING OF THE CONFERENCE

Dr. Rhod V. Nuncio, Convenor

 

9:00-10:15 am

 

Venue: Y408

Plenary Session – A

 

Pilosopiyang Filipino

Fr. Leonardo Mercado, SVD

Dr. Florentino Timbreza

 

 

Parallel Session A1

Pilosopiyang Filipino:

Ugat at Direksyon (I)

Y408

Parallel Session A2

Araling Lokal: Kalinangan at Kasaysayan (I)

Y504

Parallel Session A3

Literatura at Kritikang Filipino

Y505

10:15-11:30 am Gripaldo and Mabaquiao on Filipino Philosophy:

A Critical Assessment of Two Attempts to Establish a Filipino Philosophy 

JJ Joaquin, DLSU

 

Filipino Philosophy according to Mercado and Timbreza: A Re-evaluation

Marella Ada V. Mancenido, UST

 

Ang Pagmemeron ni Roque Ferriols

Mark Joseph T. Calano, ADMU

 

Bayan at Pagkabayan sa Dalumat ng Salamyaan:

Ang Pagpopook ng Marikina sa Kamalayang-Bayang Marikenyo 

Jayson de Guzman Petras, UPD

 

PASINTABI: Konteksto ng Paggalang at Ugnayan sa Kapaligiran ng Bundok Banahaw 

Rolando V. Redor, Jr.,

Asian Social Institute

 

Ang Mali-Mali Bilang Diskurso at Pamuo sa Larawang Filipino

Rener R. Concepcion

Batangas State University

Pagbasa sa Wika ng Talampakan: Ilang Tala at Pagninilay sa Sariling Danas ng Lakbay-Sulat o Travel Writing
Louie Jon Sanchez, DLSU

 

Banal na Ahas, Ahas na Banal: Ang Ahas o Naga bilang motif sa mga piling panitikan ng Pilipinas

mula sa impluwensiya ng India 
Louise Vincent B. Amante, UPD
Kontra-Gahum: Pagsipat sa Tema, Pilosopiya at Ideolohiya ng Piling Kontemporaryong Tulang Radikal Tungo sa

Kontekstwalisasyon ng Kritisismong Marxista 

David Michael M. San Juan, PNU

 

11:30-1:00 am

Lunch

 

1:00-2:15 pm

 

Venue: Y408

Plenary Session – B

 

Pantayong Pananaw/Bagong Kasaysayan

Dr. Zeus Salazar

Dr. Rhommel Hernandez

 

 

Parallel Session B1

Araling Lokal: Kalinangan at Kasaysayan (II)

Y408

Parallel Session B2

Pilosopiyang Filipino:

Ugat at Direksyon (II)

Y504

 

Parallel Session B3

Internet Culture, Society & Technology (I)

Y505

2:15-3:30 pm Berinarew: Aral at Aliw

Emmanuel Dumlao, UPLB

 

Research Methodology in the Studies of Practices and Changes in the Ifugao Culture:  Challenges for Future Research  

John Octavios S. Palina, PhD, Saint Mary’s University

 

The Hegemonization of Pinakbet

Simon P. Caday, PhD, PLM

 

 

 

 

Sosyolohikal-Antropolohikal na Perspektibong Teyoretikal at Pamamaraan-Pananaliksik bilang Angkop at Sapat na Lapit sa Pag-aaral ng Pilosopiyang Filipino 

Mananaliksik: Emmanuel D. Batoon, UST

 

Understanding the Filipino through meta-mythology: A paper on Filipino philosophy 

Sidney Diamante, DLSU

 

Ethical and political philosophy in Ibalon epic

Ramon E. De Leon, DLSU

 

ICT-Integration in Education as a Social Practice in a Post-conflict Setting: An Analysis of an ICT-Integration in Education Program in ARMM

Donn David P. Ramos, Asian Social Institute

 

Engaging communities through Information and Communications Technology: The Public Library Experience 

Bernardita Gwynne P. Bondoc, UST

 

Maranaos and the Optical Disc Piracy in the Philippines

Vivencio O. Ballano,

St. Paul University Quezon City

 

 

 

 

 

 

 

 

 

3:30-3:45 pm

Snack

 

 

Parallel Session C1

Araling Lokal: Kalinangan at Kasaysayan (III)

Y408

Parallel Session C2

Pilosopiyang Filipino:

Ugat at Direksyon (III)

Y504

Parallel Session C3

Pelikula, Media at Kulturang Popular

Y505

3:45-5:00 pm Ang ‘Mahikal’ na Gamit ng Daras (Adze) at mga Manik (Beads) at ang Implikasyon Nito sa Arkeolohiya ng Pilipinas Taj Vitales, UPD

 

Ang Lugar ng Pantayong Pananaw sa Arkeolohiyang Filipino:

Pangangailangan ng Isang Nakakonteksto

at Filipinong Pananaw sa Sinaunang Kasaysayan 

Joan Tara R. Reyes, UPD

 

Kain Tayo! Salo na! Pagnamnam sa Kaugaliang Filipino Tungo sa Makabuluhang Teolohiya

Williard Enrique Macaraan, DLSU

 

I am angry because you are unjust: A Filipino woman’s awakening to feminism

Jean Peracullo, PhD, DLSU

 

Freedom: Being With Oneself in an Other

Ignatius H. Vinzons, Lecturer, ADMU

 

Indigenized   Phenomenology

Jane D. Gallamaso, ADMU

 

A Theology of the Cup: Insights about the Cup of Blood of the (New) Covenant in the Synoptic Gospels’ Narrative of the Passover Meal

Christian Voltaire Metin, DLSU

 

Ang Bukod na Bukod na Pelikula: Ang Alternatibong Pelikulang Filipino Bilang Mapagpalayang Sining

Elvin Amerigo Valerio, DLSU

 

Ang Kapalaran ng mga Mapapalad/Bukas-Palad at Sawimpalad/Kapos-Palad sa Gulong ng Palad na Iginuhit sa Palad
(Ang Diskurso sa Horoscope sa mga Pangunahing Tabloid at Broadsheet)
Eros S. Atalia, UST

 

Isang silip sa mga nagwaging pelikulang ginawaran ng

Most Gender-Sensitive Film Award sa Metro Manila Film Festival

Sheryl Rose M. Andes, UP Film Institute

 

 

JUNE 27, 2009 (SATURDAY)

 

8:00-9:15 am

 

Venue: Y408

Plenary Session – C

 

Sikolohiyang Pilipino at Pilipinolohiya

Dr. Madelene Sta. Maria

Dr. Prospero Covar

 

9:15-9:30 am

Snack

 

 

Parallel Session D1

Politics & Governance (I)

Y408

Parallel Session D2

Internet Culture, Society & Technology

 (II)

Y504

Parallel Session D3

Health Social Sciences (I)

Y505

9:30-10:45 am De-culturalization and the Great Refusal: Toward a Critique of

Contemporary Philippine Society

Jeffry V. Ocay, Macquarie University, Sydney Australia

Political Philosophies of the Student Political Parties in the University of the Philippines Diliman: 1980-2008 (A Case Study of Filipino Student Movement Political Thought)

Albert P. Tijam, Jr. UPD

 

Legitimacy Strains in Post-People Power Philippines 

Liberty Orbe-Taruc, Macquarie University, Sydney

                                             

 

Blogging as the quintessential postmodern cultural artifact in the time of globalization

Aileen F. Macalintal, UPD

 

GLOBAL PANTAYO: Ang Diskursong Pantayong Pananaw sa Cyberspace sa Ika-21 Dantaon  

Michael Charleston B. Chua, UPD

 

Chromosomal Changes In Patients with Chronic Myelogenous Leukemia (CML)

Undergoing Chemotherapy

Ma. Celeste S. Soriano-Abad, DLSU

 

Experiences and Adaptive Responses Toward Aging Among Elderly Ilocano Women 

Junnile S. Paat, RN, DLSU

 

 

 

Parallel Session E1

Politics & Governance (II)

Y408

Parallel Session E2

Health Social Sciences (II)

Y504

Parallel Session E3

Araling Filipino: Kasarinlan  at Kaakuhan

Y505

10:45-12:00 nn The State as Meme and  Sustainable Development:

Piecing Together the Philippine Development Puzzle 

Louie C. Montemar, DLSU

 

The Geopolitics of the Bangsamoro Question and the Suggested BATNAs for both GRP and MILF  

Nassef M. Adiong,

UPD

 

The Empowered “Structuring Structure”: Review of the Commonalities in the Leadership Frameworks of  Youth Development Programs in the Philippines 

Marcia Czarina Corazon Medina, ADMU

 

Predictors of Family Functioning Among Adolescents: Implications

For  Curriculum-Based Program on Filipino Family Life 

Dr. Clarissa F. Delariarte, UST

 

Development of a Service Model for the Enhancement of the Medico-Dental Program Based on Morbidity Reports January 2008 to December 2008.

Ronan S. Estoque, DPA and Edgar G. Natividad, MD, TIP

 

 

 

Ang PADEPA at ang Pagpapaunlad ng Araling Filipino

Michael Francis C. Andrada, UPD

 

Pananamit, Pagpanggap, at Pagkilala: Ang Cosplayer Bilang Filipino

Anna L. Pineda, UPD

 

PagsasaFilipino ng Performance Studies: Tanghal Aralin o Aralin sa Pagtatanghal (Perfomans Istadis ba? O Araling Performance)

Reagan Romero Maiquez, PLB

 

12:00-1:00 pm

Lunch

 

1:00-2:15

 

Venue: Y408

Plenary Session – D

 

Literatura,  Kritika at Kulturang Popular

Dr. Isagani Cruz

Dr. Rolando Tolentino                      

 

 

Parallel Session F1

Political Economy & Development Studies

Y408

Parallel Session F2

Language, Math & Education

Y504

 

2:15-3:30 pm Colonial Legacies in Contemporary Capitalist Structures: A Historical-Institutional Analysis of

Origins and Change of the Philippine Economic System

Jet Olfato,

Nanyang Technological University, Singapore

 

The Employment Mismatch “Phenomena” in the Philippines – A Theoretical and Empirical Contribution to Philippine Labor Economics 

Robert Dan J. Roces, DLSU

 

The Use of the Multisystem Cultural Framework in

Managing the Ethical Conduct of the Agency

in Select Life Insurance Companies in the Philippines 
Dennis L. Berino, DBA, Ramon V. del Rosario Sr. Graduate School of Business

De La Salle University

 

A study of the semantic-syntactic correlation of control arguments in Filipino control constructions

Aquiles P. Bazar III, DLSU    

 

Solving the Odd Perfect Number Problem:

Some Old and New Approaches 

Jose Arnaldo B. Dris, DLSU

 

Socio – Economic Impacts of Selected Technological   

Educational Institutions in Metro Manila: Towards a Public Service Delivery Model

Ronan S. Estoque, TIP

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 
3:30-3:45 pm

Snack

 

3:45-5:00

 

Venue: Y408

Plenary Session – F

 

Politics, Media and Governance

Dr. Eric Batalla

Dr. Antonio Contreras

 

5:00-5:30

 

Venue: Y408

ANNOUNCEMENT OF 10 BEST PAPERS

Prof. Jose Ma. Arcadio Malbarosa, Co-convenor

 

CLOSING REMARKS

Dr. Feorillo P.A. Demeterio III, Director CLA Research & Publications Office

100 Pelikulang Filipino na dapat ninyong panoorin bago malaos ang DVD!

ni rhod v. nuncio

Naging matagumpay ang listahan ko ng 100 Kontemporaryong Aklat na dapat ninyong basahin bago kayo kunin ni Lord! kung kaya’t ginagaya na ito ng iba (may botohan pa ang isa). Katulad nang naipangako ko, ihahatid ko naman ngayon sa inyo ang listahan ko ng 100 pinakamagagaling at pinakapaborito kong pelikulang Filipino. Siyempre pa bago tumaas ang kilay at magmaktol ang mga kritiko, iskolar, artista, direktor at film outfits, gusto kong linawin na personal ko itong listahan. Ang Insiang ang una sa akin dahil sa maraming dahilan. Hintayin ninyo ang susulatin kong kritikal na papel tungkol sa pelikulang ito. Si Lino Brocka ang para sa akin ang (pinakang-) pinakamagaling na direktor na Filipino. (Sorry…Dexter Cayanes na maka-Ishmael Bernal!)

  1. Insiang
  2. Ganito kami noon, Paano Kayo Ngayon?
  3. Tinimbang ka ngunit kulang
  4. Himala
  5. Mga Munting Tinig
  6. Orapronobis
  7. Kakaba kaba ka ba?
  8. Maynila…sa kuko ng liwanag
  9. Tanging Yaman
  10. Panday (1-4)
  11. Sister Stella L
  12. Batch 81
  13. Oro Plata Mata
  14. Magnifico
  15. Minsa’y isang gamo-gamo
  16. Kubrador
  17. Darna
  18. Ang Dalubhasa
  19. Bata, bata paano ka ginawa?
  20. Bilangin ang butuin sa langit
  21. Shake Rattle & Roll 1
  22. Scorpion Nights
  23. Pasan ko ang daigdig
  24. Jaguar
  25. ‘Wag kang lilingon
  26. Kasal, kasali, kasalo
  27. Sakal, sakali, saklolo
  28. Bagets
  29. Jose Rizal
  30. Saan darating ang umaga?
  31. Kapag puno na ang salop
  32. Ang lalaki sa buhay ni Selya
  33. Ang tatay kong nanay
  34. The graduates
  35. Ligaya ang itawag mo sa akin
  36. Captain Barbell
  37. John en Marsha
  38. Batang Quiapo
  39. Anak
  40. May minamahal
  41. Ina kapatid anak
  42. Bituing walang ningning
  43. Bayan ko: Kapit sa patalim
  44. Ang hiwaga ng Ibong Adarna
  45. Dekada 70
  46. Working Girls
  47. Bagong buwan
  48. Scorpion Nights 2
  49. Muro ami
  50. Relasyon
  51. Feng Shui
  52. Curacha: ang babaeng walang pahinga
  53. Kalabog & Bosyo
  54. Babangon ako’t dudurugin kita
  55. Mang Kepweng
  56. Kahapon may dalawang bata
  57. JOLOGS
  58. Spirit Warriors
  59. Mano po 1
  60. American Adobo
  61. Crying Ladies
  62. Ang pagdadalaga ni Maximo Oliveros
  63. Tatarin
  64. Pila balde
  65. Machete
  66. Annie Batungbakal
  67. Mumbaki
  68. Dyesebel
  69. Inday bote
  70. Malikmata
  71. Bukas luluhod ang mga tala
  72. Isang bala ka lang
  73. Madrasta
  74. Ang tanging ina
  75. Once in a blue moon
  76. Milan
  77. Ako legal wife: Mano po 4
  78. Caregiver
  79. Kulam
  80. Bulaklak ng Maynila
  81. Soltera
  82. Dito sa pitong gatang
  83. Pik pak boom
  84. Pedro Penduko
  85. Miguelito: ang batang rebelde
  86. City after dark
  87. Facifica Falayfay
  88. Pare ko
  89. A very special love
  90. Estudyante blues
  91. Ouija
  92. Panaghoy sa suba
  93. Aishite imasu
  94. Natutulog pa ang Diyos
  95. Okey ka fairy ko
  96. Sarah, ang munting prinsesa
  97. Markova: comfort gay
  98. Dubai
  99. Wansapanataym
  100. Pinoy Blonde

Abangan:

100 buhay pang mga Filipino na dapat ninyong kilalanin bago kayo uli kunin ni Lord!

100 OPM na kailangan ninyong marinig bago kayo mabingi sa inyong I-Pod!

Ang teorya ng MALAM: Ang maling alam at ebolusyon ng kamalayan ng malay sa lipunan at pagkatao

(Binago ang titulo mula sa Ang teorya ng MALAM: Ebolusyon ng malay sa kaalaman at kalipunan ng lipunan sa kamalayan ng tao na hango sa aking Pasinayang Panayam Profesoryal Don Francisco Ortigas Sr. sa Araling Filipino noong Marso 25, 2009, 1:00-3:00 nh sa Ariston Estrada Seminar Room. Ang mababasa sa blog na ito ay ilang sipi mula sa aking panayam.)

 

ni Rhod V. Nuncio

 

 

 

II.

Pagdalumat-salita: Ang MALAM bilang teorya at teorya ng kaalaman

 

 

Lexical na pagdalumat-salita

Ang malam ay likhang-salita ko. Kombinasyon ito ng “mal” at “alam” o pinaigsing “am”. Ang mal ay salitang ugat na ang ibig sabihin ay mali, para sa salitang mal-edukado o mula sa Espanyol na ang ibig sabihin ay “kasamaan”(evil) o “kamalian”. Maaaring basahin din ito bilang pinaigsing “mali”. Sa salitang Latin, ang malus, mala, malum ay nangangahulugang masama (pisikal/moral). At sa Latin pa rin, ang malus (f) ay nangangahulugang “puno ng mansanas”, pansinin ang alusyon nito sa “puno ng karunungan ng kasamaan at kabutihan” mula sa Lumang Tipan (Old Testament) sa Henesis hinggil sa tsismis/kuwento/mitong Eba’t Adan.

          Ang “alam” o “am” mula sa dalumat-salitang “mal-am” ay tumutukoy naman sa alam, kaalaman (knowing, known, knowledge).

          Samaktuwid, kapag pinagsama ang mga kahulugan, ito ang mararating: maling kaalaman, masamang kaalaman. Sa papel na ito, dadalumatin ko ang epistemolohikal na elaborasyon ng malam o yaong “maling kaalaman”. Ang moral na implikasyon o yaong “masamang kaalaman” ay iiwasan ko munang talakayin sa pagkakataong ito, siguro’y para sa ibang panayam o sanaysay na aking susulatin na lamang.

          Tinangka ko ring alamin kung mayroon ba talagang salitang “malam” sa ibang wika, at kung meron man ano ang kahulugan nito. Mayron naman talaga, salamat sa internet, sa Google siyempre. Sa wikang Bahasa Indonesia, nangangahulugang gabi ang malam, malam ini ay ngayong gabi (tonight). Ang pasar malam nga’y “night market”. Subalit sa Encyclopedia of the Saivism ni Swani Parmeshwaranand, ang Anaava Malam ay isang puwersa, isang nilalang na may lakas na hadlangang maabot ang dalisay na kaalaman, “[It is]… a subtle force which obstructs pure intelligence from having its own way. (Google Books). Ang hinduismong pananaw na ito ang malapit na kahulugan ng “malam” na aking dinadalumat.

 

Diskursibong pagdalumat-salita

          Ngayon naman lalanguyin ko ang karagatan ng kaalaman para maiugnay sa ibang literatura ang dinadalumat ko. Kailangang gawin ito ng isang palaisip/paham/pilosopo bago magsabing pioneering, groundbreaking, kauna-unahan ang kanyang ideya. Pero sabi nga ni Roland Barthes, wala na raw tayong masasabi pa dahil nasabi na ng iba ang sasabihin natin. O di kaya’y ang lahat ng susulatin natin ay uuwi lang naman dili iba’y kay Plato lang naman (All philosophy is just a footnote to Plato). Mali silang dalawa. Marami pa tayong dapat sabihin at marami pa tayong alam na di pa nila alam.

          Simulan natin kay Rene Descartes, ang tinuturing na ama ng modernong pilosopiya. Sa kanyang pakiwari, isang problema kung paano matitiyak ang katiyakan ng lahat. Ang problemang ito’y nakapasok sa sangay ng pilosopiya na tinatawag na epistemolohiya. Pinag-aaralan dito kung paano natin “malalaman na ang nalalaman natin ay totoong alam natin”. Nabuo ni Descartes ang tinatawag na methodic doubt o ang “metodikong pagdududa”. Aniya, ang unang paraan ay pagdudahan natin ang lahat ng ating nalalaman. Kung nagdududa ka, di mapagkakamaling nag-iisip ka, at kung nag-iisip ka, di mapagkakamaling umiiral ka. Cogito ergo sum! (I think, therefore I am). Kumbaga, sa pagdududa nagsisimula ang lahat, sa pagdududa rin matatamo ang katiyakan. Subalit hindi pa rin ako kumbinsido kay Descartes o sa kanyang Cartesian Methodic Doubt. Sa kanyang sinulat na Meditation I, katwiran niyang baka niloloko lamang tayo ng isipan natin, tulad ng isang baliw. Agam-agam din niya kung ano ang pinagkaiba o paano natin masasabing gising tayo kumpara sa nananaginip lamang tayo. Siyempre pa sinagot ito ni Sigmund Freud sa kanyang The Interpretation of Dreams , apat na daang taon ang nakalipas. Ang ikatlo’y baka may isang makapangyarihan, malisyoso at masamang nilalang na nililinlang tayo na paniwalaan ang lahat ng alam natin. Kung mapapansin ninyo, sa ganitong linya ng pag-iisip tumatakbo ang binanggit ko kaninang galing kay Swani Parmeshwaranand, ang Anaava Malam. Ganito rin ang pananaw ng teolohiyang Kristiyano, isang nilalang ang kasamaan, isang puwersang entidad – ang simpleng kabaligtaran ng kabutihan, ng Diyos.

          Balik tayo kay Descartes. Ang pagdududa sa akin ang pinakamahinang paraan sa katiyakan ng kaalaman. Kung mayroon din namang pinatunayan si Descartes, iyon ay ang nag-iisip tayo, na sasabihin kong pinatunayan na rin ng mga tsonggo bago pa man sila mag-evolve bilang tao. Maya-maya babalikan ko ang puntong ito. Dalawang binary switch lamang ito: ang totoo at hindi totoo, ang tama at mali, ang tiyak at di tiyak. Kapag pinagninilayan mo sabay ang dalawang ito, nagdududa ka, nililima kung ano ang opsyon. Subalit sa mga Pinoy bagsak ang grado ni Descartes sa eryang fuzzy logic. Sa atin hindi lamang binary switch/binary opposition – kundi multivariate ang tugon tulad ng medyo, pwede na, siguro…ok lang. Kapag tinanong na masama ba ang ginawa ko sa girlfriend? Sagot ng Pinoy, medyo. Kung maganda ba ang pantalon sa akin, ang tugon ay “pwede”. Kung mahal mo ba ako, “ewan” ang tugon.

          Pero paano kung ang tiniyak-tiyak nating kaalaman ay nakasalig sa maling kaalaman? Tulad ito sa katotohanang binitawan ni Ptolemy at ng dogma ng simbahan na sinupalpal naman nina Copernicus at ilang daang taon pa ni Galileo Galileo, ang geosentrikong pananaw. Paanong ang katotohanang natira, matapos ang prosesong metodikong pagdududa ay mali rin pala?

          Kay Edmund Gettier, pinroblematisa niya ang batayan ng ating kaalaman na para sa mga epistemologist o analitikong pilosopo ang kaalaman ay “mapangangatwiranang totoong paniniwala” o justified true belief (JTB formulation). Paano na ang isang katotohanan o pinapalagay na totoo ay nakasalig sa maling kaalaman/premis. Halimbawa ito ng argumento ni Glenn May (1996) tungkol sa posthumous reconstruction kay Bonifacio ni Teodoro Agoncillo at iba pang historyador at kasama na rin si Ambeth Ocampo mula sa kanyang aklat na The Bones of Contention (2001). Siyempre pa krisis ito ng lehimitasyon ng katotohanan, na walang pinagkaiba sa ilihetimong posisyon ni Gloria Macapagal Arroyo, na alam niyang nanalo siya sa 2004 eleksyon dahil alam na alam niya nga sa tulong ng isang Comelec Commissioner, ngunit nakasalig naman sa kondisyon ng pandaraya. Totoong ika-14 siyang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, ngunit ang tanong: totoo kayang nanalo siya? Hindi ito mito-mitohan lang katulad ng ipinapalagay ng mga structuralist na mga antropologo o teoristang poststructuralist tulad ni Roland Barthes sa kanyang Mythologies , kundi isang mapapangatwirang totoong paniniwala, o justified true belief sa pananaw ni GMA at ng mga cohort, spin-doctor na naglipana sa ating pamahalaan. Sa katunayan, ang aking akusasyon na mandaraya at korap na Pangulo si Gloria Macapagal Arroyo ay isang ding “justified true belief”. Samakatuwid, ayon kay Gettier, ang isang maling katotohanan ay maaaring pangatwiranang tama at totoo rin? Ano na ngayon ang totoo sa di totoo?

          Pero bakit ba nating hinahayaang manungkulan ang isang mandaraya at korap na Pangulo? Bakit mayroong pagsasatabi sa lipunan, may ginagahum, may nilalaspatangan sa lipunan. Si Karl Marx ang naghain ng kasagutan mula sa pagbasa niya kina Feuerbach at Hegel. Ito ang kontrobersyal na teorya ng “false consciousness” o lisyang kamalayan, na inangkat at inangkop naman ni Renato Constantino (1982) para sa tesis naman niyang ang “misedukasyon ng mga Pilipino”.

 

 

Konklusyon

            Mula sa primal fear, animal at natural instinct, human instinct natin, mayroon tayong final dread – ang huling kinakatakutan natin, kaya tinatakasan natin ito sa ating kamalayan. Naitanong na ba ninyo sa sarili ninyo, paano kung wala na ako sa mundong ito? Ano na ang mangyayari sa kamalayan ko? May pupuntahan ba ako? Saan ako pupunta? May buhay ba na lagpas sa kamatayan? Isang iglap wala nang lahat.

          Ngayong malay na may kamalayan ako, mabuti pang rebisahin o talikuran ko na ang cartesian doctrine.

          Nag-iisip ako, samakatuwid, ako’y malay.

          Kung malay ako, mapagduduhan ko ang lahat, kasama pati ang aking pag-iral.

          Kung hindi totoo ang aking pag-iral, samakatuwid, ako’y isang kawalan.

          Nag-iisip ako, samakatuwid ako’y kawalan!

          Sa Latin, cogito, ergo finis!

Sa Ingles, I think, therefore, I end .

 

 

 

 

DLSU Graduate Student Conference-Filipino

Kauna-unahang Kumperensiya

ng mga Gradwadong Mag-aaral sa Pamantasang De La Salle

Departamento ng Filipino at Emergent Research Center on Language, Media and Culture

Kolehiyo ng Malalayang Sining

Hunyo 26-27, 2009

 

PANAWAGAN SA MGA ABSTRAK

 

Kaisipang Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

sa Loob at Labas ng Bansa

 

Sa loob ng humigit-kumulang limang dekada matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, umusbong at lumakas ang pagsasaFilipino (indigenization) ng ating kaalaman at kaisipan. Nakilala sa loob ng panahong ito ang kategorisasyon o katawagan sa mga disiplinang nakakabit sa konsepto at praktika ng pagkataong Filipino at pagkabansa tulad ng Pilosopiyang Filipino, Sikolohiyang Pilipino, Bagong Kasaysayan, Panitikang Pambansa, Pilipinolohiya, at Aghamtao.

 

Sa kasalukuyan, ano ang mga nananatili at mga bagong diskurso, pag-aaral at debate sa loob at labas ng bansa tungkol sa pag-inog ng kaisipang Filipino? Paano ito inuunawa ng mga kasalukuyang gradwadong mag-aaral at mga kinikilalang iskolar mula sa iba’t ibang disiplina?

 

Layunin ng kumperensiyang ito na suriin at usisain ng mga gradwadong mag-aaral ang rasyonal/teoretikal na pundasyon o pilosopiya, metodolohiya, debate at mga isyung nakapaloob sa iba’t ibang disiplinang nabanggit at kung paano rin ang mga disiplinang ito tumatawid sa inter/multidisiplinaryong usapin at pag-aaral. Lilinawin din sa kumperensiyang ito ang direksyong tinatahak ngayon ng kaisipang Filipino sa gitna ng umaatikabong diskurso sa at problematikong kalagayan ng orientalismo, globalisasyon, pandaigdigang ekonomiya, at marami pang iba. Hangad ng kumperensiyang ito na magdayalogo, magpalitang-kuro, magbahaginan ng kaalaman at karanasan ang mga kinikilalang iskolar at mga gradwadong mag-aaral sa iba’t ibang larangan ng Agham Panlipunan, Humanidades at Agham.

 

Bukas ang kumperensiyang ito sa lahat ng gradwadong mag-aaral na kasalukuyang kumukuha ng kanilang M.A./M.S. at Ph.D. (o mga digring katumbas nito) sa anumang larangan sa Agham Panlipunan, Humanidades at Agham. Ang mga bagong nagsipagtapos ng M.A./M.S. at Ph.D. ay maaari ring lumahok sa kumperensiya.

 

Wika ng Kumperensiya:

Filipino at Ingles ang wika ng kumperensiya.

 

Mga Paksa/Panel:

Maaaring talakayin, ikritika o iangkop sa ibang kaugnay na usapin ang susulating papel batay sa mga larangan/paksang ito:

 

  • Pilosopiyang Filipino
  • Sikolohiyang Pilipino
  • Pantayong Pananaw/Bagong Kasaysayan
  • Politika at Pamamahala
  • Panitikan at Kritikang Filipino
  • Mga Sining at Kultura sa bansa
  • Araling Filipino/Pilipinolohiya/Philippine Studies/Filipino Studies
  • Edukasyon
  • Diaspora
  • Media at Kulturang Popular
  • Araling Lokal (Local Studies)
  • Araling Gender (Gender Studies)
  • Pananampalatayang Filipino
  • Agham at Teknolohiya
  • at iba pa (open category)

 

Kailangang magpasa ng abstrak na bubuuin ng di lalagpas sa 300 salita, kompyuterisado at nakasulat ng laktawan (double-spaced) sa short bond paper. Ilagay ang inyong pangalan, kolehiyo/unibersidad na pinapasukan o pinagtapusan, at email/ cellphone/telephone number. Ipadala ang abstrak sa gscdlsu@gmail.com

 

Mga Deadline/iskedyul:

Panawagan para sa abstrak – Pebrero 23 – Marso 30, 2009

Deadline ng sabmisyon ng abstrak – Marso 31, 2009

Anunsyo ng mga natanggap na abstrak – April 15, 2009

Deadline ng sabmisyon ng buong papel – Mayo 30, 2009

Kumperensiya – Hunyo 26-27, 2009

 

Detalye sa pagpasa ng buong papel:

Maaaring galing sa term paper, tapos o tinatapos pa lang na tesis o disertasyon; empirikal na pag-aaral o teoretikal na papel ang isumite. Ang buong papel ay dapat na nasusulat sa Filipino o Ingles, di pa nalilimbag, binubuo ng di hihigit sa 8,000 salita, kompyuterisado at nakasulat ng laktawan (double-spaced) sa short bond paper.

 

Gamitin ang MLA Style para sa pagsipi at pagsulat ng sanggunian. Tingnan ang website na http://library.osu.edu/sites/guides/mlagd.php  para sa paggamit ng MLA.  

 

Pagpapatala:

Ang lahat ng magbabasa ng papel at dadalo sa kumperensiya’y kailangang magpatala. May bayad na PhP500 para sa dalawang araw na pagkain (tanghalian, merienda sa umaga at hapon) at kit.

 

Pinakamahusay na papel:

Pipili ng sampung pinakamahusay na papel mula sa mga magbabasang gradwadong mag-aaral. Ililimbag ang mga papel na ito sa Malay at Ideya, dalawang kinikilalang internasyonal na abstracted, refereed journal na nakabase sa Pamantasang De La Salle.

 

Tingnan sa http://www.philjol.info/index.php/MALAY at

http://www.philjol.info/index.php/IDEYA ang dalawang journal.

 

Impormasyon:

Para sa iba pang katunungan, makipag-ugnayan kina:

 

Dr. Rhod V. Nuncio rhodnuncio@gmail.com

Convenor

5244611 loc. 509

 

Dr. Feorillo P. A. Demeterio III feorillodemeterio@gmail.com

Prof. Jose Ma. Arcadio C. Malbarosa malbarosaj@dlsu.edu.ph

Co-convenors

 

Steering Committee:

Dr. Eric Vincent C. Batalla, Political Science

Dr. Jose Rhommel B. Hernandez, History

Dr. Josefina C. Mangahis, Filipino

Dr. Leni dlR Garcia, Philosophy

Prof. Dante Luis P. Leoncini, Philosophy

 

Board of Advisers:

Dr. Exaltacion E. Lamberte, University Fellow & CLA Dean

Dr. Isagani R. Cruz, University Fellow & Professor Emeritus

Dr. Jose M. De Mesa, University Fellow

 

 

 

 

Writing, intuition, dream and fantasy – travels in nonlinearity

rhod v. nuncio writes:

 

Writing has never been that easy. The craft of writing unimaginably started in the days when humanity needs to transform his world. Such is the escape of the mind against the landscape of forbearance. Withheld in his deepest unconscious, writing is that something that lies underneath the mind – the act of reinventing the image, substituting it with words taken from the precognitive chest of language. The inner delay in mind mapping and mind graphing is easily discerned as we relegate orality and memory to explicit birth of uttered voices between spaces of our sounds and words in print. The shift from assigning sounds from memory to a textual code, I suppose, takes thousand of years to happen. And when everything is assigned and arranged or codified as it is called right now – the product of an evolutionary morphing from nonlinear sounds to linear words – the cognitive switch now can happen in milliseconds.  These sounds may be repressed, sublimated down in the mental graph as an incomplete reservoir of meanings. Writing then becomes the unconscious act of the conscious mind to retell memories subdued as speech-in-the-mind-out-of-the-world. It may seem that writing is always a constructivist paradise but it is clearer than I thought that what writing offers is not the intention of the writer (as the possessor/originator of thought/idea/cognition) but the language the mind does not posses. This cognitive language is diametrically and dialectically opposed with reality. Intuition, dreams, and fantasies are inner impulses trapped in the horizon of our consciousness as they present themselves convoluted in constant struggle with the reality of the un-mind. Intuition and logic are separated in suspended animation and should not be taken as binary opposition, or images reflecting each other in the mirror. Dreams and waking state are discontinuities of a language harnessing its ambivalence in shaping, organizing and presenting a vision for consciousness. These two – dreaming and waking – are a priori epiphenomenon of our consciousness. Fantasies and realities are bipolar chunks of interpreting the present. It falsely assume a projection, a wishful thinking, a desire, a utopian sense of boxing life and death given the limitations of space-time continuum. The meeting point of fantasy and reality is the limitation imposed upon us by our imagination. And since writing is about transforming the wor(l)d, much have been changed in the name of the eidos. We survive because of our literacy but our civilization will thrive in sounds, images, and visions beyond the magic of the word. Writing is never immortal, so are we.  But what is certain is this: I think, therefore, I end!

Kritika ng Kritika ng Kritika nang Kritikang si Lumbera

Kritikang MakaLumbera: Tungo sa Kritikang Filipino at MakaFilipino

ni rhod v. nuncio

 

(Binasa sa International Book Fair, Pistang Panitik, Pagbibigay-pugay sa Pambansang Alagad ng Sining Bienvenido Lumbera, Agosto 30, 2007, World Trade Center, Pasay City.)

 

Si dinami-daming sinulat ni Lumbera, sigurado akong marami na rin tayong mapupulot para itaguyod ang isang kritikang Filipino. Sa malawak na karanasan niya bilang guro at alagad ng sining, alam kong marami na siyang tagasunod na ginagawang inspirasyon ang mga turo’t akda niya. Marangal kong sasabihin na isang bigating intelektuwal ng ating panahon si Lumbera. Isang bigating iskolar ng sining at lipunan na tumatagos ang  impluwensiya at presensiya sa iba’t ibang institusyong panlipunan at pangkultura sa bansa. Sa ganang akin, isang dambuhalang mohon si Lumbera sa mga larangan tulad ng panitikang pambansa, teatro, pelikula’t kulturang popular at kritika. Para sa okasyong ito, pinili ko ang larang ng kritika para itampok ang mga kritikal na akda at texto ni Lumbera hinggil sa nabuo/mabubuong praktis/pamantayan ng pagbasa ng panitikan at kultura batay sa mga kaisipan/pananaw/teorya niya.  Itatampok ko rito ang tatawagin kong Kritikang MakaLumbera.

 

Sa mahigit limang dekada, nagningning ang mga ideya ni Lumbera sa maraming usaping pangkultura at panlipunan na kinaharap/kinahaharap din ng ibang mga manunulat, guro, kritiko, kultural na manggagawa, artista, at ng mamamayan sa kabuuan. Sa mahabang panahon ng danas at diwa, nakaluklok siya bilang tinitingalang intelektuwal ng ating bansa. Kung kaya’t may pangangailangan na tanawin ang kanilang kontribusyon, usisain at pag-ukulan ng masusing pag-aaral kagaya ng ginagawa sa mga kritiko/pilosopo sa mundo ng kritika/teorya/pilosopiya. Pag-aaral sa kritiko at kanyang kritika ang kabuuang tunguhin ng papel na ito.   Mahalaga sa pag-aaral na ito ang pag-abang at pagsubaybay sa mga kritikal na akda, kung alin sa mga ideya niya ang konsistent sa pilosipiya niya bilang kritiko/iskolar. Kung ano sa mga ito ang nabago, tinalikdan at alin pa ang inihahaing bago?

 

Nais kong ihapag sa inyo ang mga puntos na tatalakayin ko:

1)     pagtatangkang pagbuo ng isang kritikang Filipino batay sa kritikang makaLumbera

2)     paglilinaw sa pagbasa/panunuri/kritikang makaLumbera ayon sa proyekto ng kanyang pagsulat/panulat sa mahabang panahon (abot-tanaw, revaluation, pag-akda ng bansa)

 

 

Moda ng pagbasang MakaLumbera, yugto-yugto, cyclical

  1. abot-tanaw (aproksimasyon, pook-lunan-sityo, espasyo)

 

Ang abot-tanaw ay inisyal na tumutukoy sa pook, espayo o tindig ng bumabasa/kritiko. Bilang pook, lokalidad ito ng kinagisnang kultura na nagdidirehe sa pagbulwak ng pananagisag ng isang kritiko. Ibig sabihin sa mata ni Lumbera, ito ang paksaing bayan, ang paksaing pambayan o sa sariling bayan. Abot-tanaw ng isang kritiko ang wika ng pananagisag “sa mga akdang likha ng mga Filipino sa konteksto ng aktuwal na mga kondisyon sa lipunang Filipino” (2000: 210). Ibig sabihin, kailangan nating unawain ang isang akda dahil unang-una, malapit ito sa ating mga sarili at ikalawa inululuwal tayo ng mga kondisyong humuhubog sa atin bilang mga tao sa lipunang ito. Kailangan nating lumikha ng sariling pamantayang umiikot sa pagtataya ng akda at sa pag-unlad ng ating kritika. Malinaw na ipinaliwanag ni Lumbera (Breaking Through and Away) ang sanhi at bunga ng kontradiksyon ng gahum ng Kanluraning teorya/kritika at kung bakit hindi maaaring gamitin sa lahat ng pagkakataon upang basahin/suriin ang ating mga akdang pampanitikan.

 

Malaki ang ambag ng sanaysay na “dating”: panimulang muni sa estetika ng panitikang Filipino sa tunguhin ng isang maka-Lumberang pagbasa sa panitikan. Maraming kaisipan, paniniwala, katawagan, praktis, tradisyon ang maaring gawing sangkalan sa pag-usisa sa masining na paglikha’t pag-akda ng mga Pinoy. Naniniwala akong abot-tanaw ng kritiko ang mga kasangkapang teoretikal/intelektuwal kung lilingon lamang tayo pabalik, kundi man papunta, sa sariling bayan.  Sabi nga ni Isagani R. Cruz, isa ring kritikong makaLumbera, “dapat na maging kasangkapan ng paglaya at hindi ng kanluraning gahum ng mga naghaharing uri ang kritikang Pinoy”(2003: 11). Siya ring nagsabing “mas mayaman ang ating wika kaysa banyagang wika dahil mas marami tayong salitang maitutumbas sa konseptong langyaw” (2003: 84). Bilang dating estudyante ni Lumbera, dala-dala ni IRC bilang kritiko ang kahalagan ng sariling konsepto sa  sariling wika para sa kritikang Filipino. Ang wikang Filipino, samakatuwid, ang isang komunikatibong espasyo na abot-tanaw ng ating mga kritiko.

Idagdag pa sa abot-tanaw bilang moda ng pagbasa, ang demokratisasyon ng espasyo – ang pag-akay, hangga’t maaari, sa lahat bilang kabuuan o ang lahat bilang kasama sa tinatanaw na kabuuan. Sa ganitong paliwanag, nilalansag ni Lumbera ang distinksyon o ang pagtatalabang baynaryo katulad ng panitikang pambansa vs. panitikang vernakular, mataas na kultura vs. kulturang popular, sining vs. politika, paksain vs. estetika, at marami pang iba. Sa kanya, ang lahat ng ating panitikan mula sa iba’t ibang rehyon ay panitikang pambansa, walang distinksyon. Isa pa, may puwang sa kritika ang pagbasa hindi lamang ng mga dakilang obra, kundi pati ang Valentine’s Card, Zuma, Bakekang, Captain Barbell na laman ng komiks, rock opera at mga pelikula.  Katulad ng katanungang laging sumasagi sa isip ni Lumbera, para kanino ang panitikan? Ano ang kapangyarihan nito para mabago ang kalagayan ng mamamayan? May implikasyon din ito sa kritika. Kailangan din nating tanawin at abutin, at sagutin hindi ang nag-iisang katanungang deal or no deal o pagkompromiso sa pagbasa’t pagsuri, kundi ito: para kanino ang kritika? Ano rin ang kapangyarihan nito sa buhay ng ating sarili’t bansa?

 

 

  1. revalwasyon 

Katulad ng abot-tanaw, ang rebalwasyon ay isa ring moda ng pagbasa.

 

a)     pagpapakinang sa binaon o nilimot na halaga/saysay ng akda/texto/diskurso. Kasama sa proyekto ng rebalwasyon ang pagbabalik-muli sa nakaraan, sa kasaysayan. Ito ang premis ng naratibo, dito nakasandig ang kapangyarihan ng texto upang ipaunawa sa atin ang kinalalagyang abot-tanaw (ang tindig, at ating posisyon). Kay Lumbera napakahalaga ng kasaysayan, kaugnay nito, napakahalaga ring tukuyin ang puntodebista ng pagsulat ng kasaysayan. Sa mga nasabi nang tala ng mga kritiko/iskolar tungkol dito, malaki ang naging impluwensya ng ating mga historyador lalong-lalo na si Renato Constantino kay Lumbera. Sa ganitong maalab at marubdob na pagbabalik-tanaw, tiniyak ni Lumbera na ang kanyang kritika at lahat ng produksyong pampanitikan/pangkultura ay nakaangkla sa pagtanaw sa kasaysayang Filipino. Nariyan ang mga sanaysay na Towards a revised history of Philippine Literature, problems in philippine film history, the nationalist literary tradition, at iba pa.

b)     Pag-alingaw-ngaw ng makabayan, makaFilipinong tilamsik/himagsik ng diwa. (makulit, nakapanliligalig na diwa). Usapin ito ng pagbalikwas sa ideolohiya ng kolonyalismo – ang mga tinuring galamay ng pananakop, anino man o pisikal, na kumukulong sa isipan at katawan ng mga Filipino magpahanggang-ngayon. Isa na rito ang lisyang edukasyon. Bago o dagdag na perspektibo rin ang inihahatid ng rebalwasyon, katulad ng pagsasabing ang kulturang popular ay politikal, at ang pag-uusigang, kaya ba tayong palayain ng pelikula? Sa sanaysay na pelikula bilang mapagpalayang sining,  (2000:307), kapangyarihan ng mambabasa/manonood….

c)      Pagragasa ng patuloy na bisyon (abot-tanaw) at rebisyon (rebalwasyon). Katahi palagi ang patuloy na problematisasyon ng nasyonalismo, wika, panitikan, kultura, sining, kamalayan, at halos lahat na maaaring paksain natin sa pag-aaral ng ating mga sarili (kaakuhan) at ng ating bansa. Nandyan ang paalala, tagubilin, paanyaya sa mga kritiko, dalubwika, manunulat, makata, historyador, pilosopo, social scientist na tahakin ang landas sa makabayan at makaFilipinong pag-aaral. Masasabi kong tagapangunang palaisip si Lumbera sa mga larangang tinatahak ngayon ng mga iskolar ng bansa.

 

 

  1. pag-aakda ng bansa (kasaysayan ng bansa, ang pagsulat ay metapora (ang sarili, diwa at ang bansa)

a)     ang bansa ay metapora, ang pag-aakda/pagsulat ay isang proyekto tungo sa imahinasyon ng bansa.

“The revolution as transformation continues. We, Lumbera seemingly suggests, have yet to achieve our nation. His works as poet, scholar and librettist bear witness to the essential Lumbera: Lumbera writes the nation, the nation is written in Lumbera.” (www.lumbera.ph)

 

          Ibig sabihin patuloy nating itampok ang bayan/bansa sa ating mga gawain bilang akademiko. Hindi natin masasagot marahil kung kailan ganap na mabubuo ang bansa, subalit sa ating maramihang pakikisangkot, sa ating aktibong pakikilahok sa usapin ng ating sining, ng ating paninindigan bilang akademiko, at katuwang ng mamamayan sa paglaya’t pag-unlad, unti-unti nating iginuguhit sa ating imahinasyon ang iba’t ibang hibla ng pagkabansa. Sa ganang akin, “pagsibol ito ng binhi sa kaisipan tungkol sa sarili at sa bansa. Pagpapatatag ito ng haligi ng karunungang Filipino at pagsasanga-sanga ng matatayog na puno ng kalinangang Filipino. Pagdami ito ng mga hitik na prutas ng diskurso’t praktika, hanggang maging binhi, ang mga buto, muli’t muli, para sa mas malalim at mas malawak na larangan sa loob at labas ng ating sarili’t bansa.”(Nuncio at Morales-Nuncio, 2004:3) Sa anumapang tunguhin at tungkulin natin, bilang mga kritiko at alagad ng sining, inaakda natin ang bansa. Malay man tayo o hindi sa ganitong proyekto, kabahagi tayo sa bisyong makaLumbera.

 

 

  1. pag-aakda ng sarili (paninindigan, politika, sabjektiviti) (biograpiya bilang kritika) buhay na kritika.  Ang mga dambuhalang intelektuwal sa Europa at Amerika ay nakikibaka’t humihimok sa iba para sa panlipunang pagbabago, una sa posisyon nila bilang mga publikong intelektuwal, at ikalawa’y pagturing sa kritika/pilosopiya bilang buhay na kritika. Ito ang politiko ng sarili, ang biograpiya bilang kritika. Alam na natin na malaki ang kontribusyon ni Foucault sa gay rights movement, ang pakikisangkot ni Giddens sa pagbubuo at paglilinaw ng pilosopiya ng labor party ni Tony Blair, ang makabuluhang komento ni Chomsky sa buhay-politika ng Estados Unidos at marami pang iba. Sa mga nakakakilala kay Lumbera, hindi ko na iisa-isahin, ang aktibo niyang pakikilahok sa usapin ng politika. Bilang kritiko, bahagi ito ng pag-aakda ng sarili. Simple lang naman ang ipinapahiwatig nito sa atin, naniniwala ako na tayong mga mag-aaral, iskolar, guro, kritiko at iba pa na nasa akademya ay may responsibilidad sa bayan. Sa mga landas na tinahak ni Lumbera, maaari nating piliin ang ating kalalagyan sa mundo ng kritika at sa mundo ng makaFilipinong pag-aaral. Maaari din tayong magsimula ng bagong tunguhin, bagong pananaw, na lagpas at lalayo sa nasimulan ni Lumbera. Hindi malayong mangyari ito. Subalit dahil sa makabuluhang mga diskurso at dalumat tungkol sa kaakuhan, kalinangan at bansa ang ipinupukol sa ating isipan ni Lumbera, mahirap, kung inyong tatanggapin, ang kumalas sa MakaLumberang pagbasa. Sa bansang tulad ng Pilipinas na dumaan sa mahabang panahon ng pananakop, problematiko lagi ang usapin ng sarili, nasyonalismo, panitikan, wika, at iba pa. Kung sa kritikang Filipino (uulitin ko sa kritikang Filipino) natin ito tatalastasin, lagi’t laging sasagi sa isip natin ang makaLumberang pagbasa. Lagi’t lagi natin itong sasangguniin.

 

Elemento ng kritikang makaLumbera, (1) historikal, kritikal, intertextual, estetikong mapagpalaya.

 

Alam kong sasabihin ninyong walang pinagkaiba iyan sa ibang pagbasa o kritikang mula sa kanluranin. Sabi nga ni Soledad Reyes, si Lumbera ay Marxista. Si Isagani Cruz naman, binansagan siyang kritikong postkolonyalista. Marahil ang debate ay hindi sa pagkakatulad ng mga diskurso, kundi sa usapin ng kaibahan at pagkakaiba. Ito ang kontexto, texto, ng ating sarili’t, diwa at bansa na nakapaloob sa mga kritikal at pampanitikang akda ni Lumbera.

 

Siguro ngay hindi pa tayo sanay na tawagin ang isang dulog o moda ng pagbasang makaLumbera o makaCruz at iba pa dahil nasanay ang tenga natin sa pagbasang Marxista, Foucauldian, Feminista at kung anu-ano pa.

 

Ang hangarin ko’y sentral sa pagsusuri ng sarili nating akdang pampantikan at pangkultura. Naniniwala akong sapat na at nasimulan na ang tradisyon ng ganitong pagbasang makabayan, makatao at makaFilipino. Sapat at hinog nang sabihing isa sa maaaring maging uri ng ating pagbasa ang kritikang makaLumbera.