rhod v. nuncio

           Nobody can tell the deepest fear one has nor bring out certainty from that because of the obscurity that fear instills in every heart.  This is, I presume, what I meant by the shadow. The shadow is the embodiment of our fears—the scariest counterpart of man’s sensibility—that transgresses the domain of reason, or more so of rationality.  And because reason cannot capture our fear we suddenly find refuge to entertain its bothersome ‘existence’ in other inexplicable discourse.  In fact, it is true that we need to have a conversation with someone or to something that might or indeed bring us into light.  But a conversation with a ‘shadow’ can be as futile as welcoming fear to reign over us.  But who could deny that?  It is perhaps in this way that we can defeat futility and fear altogether.

          What do I mean by a shadow? by having a shadow? by living with a shadow?  It could be well surmised that one characteristic of this phenomenon is its inevitability and its inseparability with us and even with inanimate objects.  Yet the shadow is more relevant with human beings, for it so mimics the intricate acts of man.  Just like our own fear, for it is also inseparable with human nature, with our ‘nature’.  Fear as shadow, resides in the subliminal consciousness of man.  It imitates our weaknesses, inferiorities and imperfections. That is why we would like to escape and run away from this ‘fear’.  One fear that I certainly want to hide from is the fear of/from failure.  I would say that because I am a dreamer and at the same time a vigilant visionary of life, it is reasonable at the outset to shun all possibilities of failure.  No matter what I pursue, in every direction I go I tend to ignore first failure because otherwise it will eat me from inside.  A vision of failure is a self-destruct mechanism from a dreamer like me.  But what surprises me most is that my failure makes me all the more a dreamer. How ironic!  Maybe this is how strange I handle my life and yet from this fear I still manage to see the beauty of it all.  Maybe my failures are illusions of my dream.  Or perhaps just like a ‘shadow’, it unceasingly binds in me.  However whatever it may, I must recognize that this fear of failure is all encompassing, prevalent and powerful.  I consider this as a fact of experience.  In a bleak perspective, one would even say that life indeed is a failure.  Then who could not ever fear that?

          Because of the ever powerful and all encompassing nature of fear in man, it proves then how it dictates and controls us.  This is what I might call a seizure of fear that defies yielding or surrender.  It insists a calling of sort, an invitation that welcomes every one of us to an open and wide arena of struggle.  If one claims that he has won the battle it is only a reaction out from fear—fear that has left anyone asunder to overcome fear because of fear.

          The problem now here is to apprehend fear as an entity.  It could have been a power personified deflected as the other-half of our personality.  Couldn’t it be? Like a master-slave relationship, it draws the line between man (fearing subject) and fear (an entity to be feared).  And therefore ask: who is the puppet and the puppeteer?  Fear could have been just a creation of man’s complexity.  There is nothing to be feared about…it is just an illusion or a delusion to think that way.  But who can judge that if fear is omnipresent like a Damocles’ sword.  This kind of fear is highly intrinsic in man.  In short, it is a conflict arising from within—maybe from an internal voice, from conscience – or if one believes – from the soul.  For instance, I felt fear because I have done something wrong which in a way kept me bothered for quite a time.  Feelings of guilt, restlessness, sleeplessness, and all other discomforts may turn into frustration, resentment, despair and depression.  In one way or the other, if we look deeper and try to find the main cause of this ‘conflict’, the answer would always be ‘fear.’  Fear from what?  There are many options…but my answer is this: it is fear from oneself.  It may sound (it is!) trivial and paradoxical but this entity called fear is, nothing more, nothing less, the self. 

          The tendency I think of man is to invent endlessly an imaginary entity to divide him and to reckon all guilt, frustration and whatnot to this ‘other’ (fear).  The more we push this to the limit, the more fear overcomes us and paradoxically, the least we obviously expect for we, just like hypocrites, project a person who is always in his right mind and senses, strong, fiery, unmoved and uncompromising.  I mean this ‘false projection’ is not far from being the most pathetic and most miserable state of man.  If fear were a human being or a quasi-being then he could be rejoicing every time we make a divided line.  This leads me now to the next and final level of fear: the objectification of fear.  Some people argue that they do not know themselves or say specifically, “I do not know what or who I am, and for what I am, unknowingly, capable of.” It is believed, in this context, that nobody can grasp a full understanding of oneself. There is a truth in this.  Our actions are sometimes unthinkable and even more, irrational for that matter.  We may never know why but I presume it is all because of fear.  Again, fear emanates internally from man but the problem here is this: if we are so governed by fear then we subsequently become a prey to paranoia.  Everything and everyone is a suspect including oneself.  In this dilemma, paranoia moves in two ways: (1) following the previous argument, it achieves the disunity of man and fear—man as subject to fear and fear as the pronounced winner in the conflict; (2) it proceeds into a closure of this dualism by becoming fear as man or more precisely as FEAR BECOMES MAN.  I guess you would know what this means in the long run? 

          But the critical question is this: Is paranoia also inescapable, inevitable…?

          I guess not…(I think so) Man is gifted with diverse ways to explain his predicaments and to position himself in looking beyond any moment of fear and of unsuspecting paranoia.  One thing for sure is that anyone, for any matter or for whatever reason, is still much bigger than his or her fear.  For I speak of experience and above all these so and so, I have just played a mockery of it using my pen and paper in this conversation with myself…

          Or have I not?

 

nina Rhod V. Nuncio at Elizabeth Morales-Nuncio

 

            Di nga ba’t walang bisa ang wika kung hindi nito binibigyang buhay ang diskurso’t kultura ng bansa? Sinasabing hindi pa sapat ang corpus ng wikang Filipino upang pasiglahin ang intelektuwalismo sa bansa. Maski nga mga intelektuwal, sila mismo ang nagsasabing walang ganap na kapangyarihan ang wikang Filipino para dalumatin ang kaganapan at kaisipang “makabago” at “napapanahon.”

Sabi nila, ang mga salitang “multikultural”, “polysemic”, “aporia”, “multivocal”, “pluralismo”, “postmoderno”, at multidiskurso” ay ilang salitang hindi kayang uliratin sa diwang Filipino at hindi kayang ilapat sa ortograpiya ng wikang Filipino. Lahat ng nabanggit ay nakaugat sa kalingang Kanluranin; kung kaya’t, nasa banyaga ang wika at nasa banyaga ang kaalamang nakatahi’t nakalublob sa mga salita.

            Sangandiwa ang diwa ng kaibahan at paghiwalay sa bitag ng Eurosentrisismo na sumasanga-sanga palayo nang palayo sa “imperyalismo” ng mga “ismo.” “Ang sangandiwa ang kaisahan ng pagkakaiba. Kabuuan ito ng maramihang pakikisangkot. Kinikilala nito ang kaisahan at kasarinlan bago magsanga-sanga. May talastasan na tayong Filipino dahil nagkamalay na tayo sa sitwasyon ng sarili at bansa” (Nuncio at Morales-Nuncio 2004).  

            Talastasan ang sangandiwa, sangandiwa ang talastasan. Kinikilala nina Zeus Salazar at Prospero Covar ang talastasang bayan at/o talastasan ng bayan at sinasabi ni Virgilio Enriquez na mapagpalaya ito bilang kamalayan, diwa at praktika ng mamamayan.

Sangandiwa ang geopisikal at geopolitikal na pagkahiwahiwalay ng mga pulong napapaligiran ng mga tubig sa arkipelago ng Pilipinas. Mayroon itong mga sariling kaalamang-bayan mula Batanes hanggang Tawi-Tawi at maski hanggang sa ibayong bansa—naglalakbay ito sa diasporang Filipino. Sumasanga-sanga ang kaakuhang Filipino sa iba’t ibang bansa bilang lakas-pagggawa, profesyonal, akademiko, at iba pa.

Mayaman at matatag ang etnolinggwistikong kultura’t mga wika na nakapayong sa pambansang hangarin ng pagkabansa. Sa gitna nito, lumalakas ang kontradiksyon at epekto ng “globalisasyon” na lamunin ang mga bansa sa iisang bisyong pangkalakalan at pampulitika at sa iisang diskursong global. Daynamiko itong humuhulma sa mga katawan at isipan sa gitna ng nakakaenganyong DVDs, Nike, Toyota, Lacoste, Gameboy, Nokia at marami pang ibang nakasisilaw at nakapaglalaway na retorika at kalakaran ng kosmopolitanismo.           

            Politikal na usapin itong bumabagtas sa isyu ng pagkapanalo, pagkatalo, dayaan at reklamo sa panahon ng eleksyon. Arena ito ng publikong pamomook na nakasalalay sa malayang pamamahayag at pagpapahayag ng mamamayan sa panahon ng pakikisangkot sa pambansang industriya ng politika. Ang pambansang industriya ng politika ay pinamamahalaan ng mass media at pribadong spindoctors upang linisin at pabanguhin ang impormasyon sa mata’t tenga ng publiko. Kalituhan, kawalang-kibo, kamangmangan, pasubali ang mga sukli nito.

            Kasaysayan ito ng kasalukuyan mula 1986 hanggang ngayon—kontemporaryong pagsilang ng diwa ng kasarinlan mula sa neokolonyalismo, diktadurya, imperyalismo, multinasyonalismo, at globalismo. Bagaman may kasarinlan, hindi ganap ang paghulagpos. Sa maka-kaliwa, at maka-kanang puwersa ng bayan at sa pagtatalabang gitna’t laylayan sa lipunan, nagsasalpukan ang mga grupo na pinapaandar ng istruktura ng puwersa kontra sa kaakuhan/ahensya ng pagkatao at pagkamamamayan. Sinilang at sinisilang ang sangandiwang katauhan sa krisis sa kasaysayan ng kasalukuyan mula 1986 hanggang sa susunod pang mga taon. “Sa  pagkakawatak-watak ng usapin at pagdagsa ng usap-usapan, tungkulin ng isang mamamayan na pag-aralan ang kasaysayan at linangin ang kanyang wika, pagkatao, kaisipan at kultura upang iharap ito sa madla sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan tungo sa makabuluhan, aktibo at nagkakaisang pagbabago’t pag-unlad. At dahil nasa isang malayang bansa tayo, magsasanga-sanga ang mga dila’t diwa, paa’t bisig para tupdin ito. Sa bandang huli, kabuuan ito ng maramihang pakikisangkot. Sangandiwa ito ng kapilipinuhan” (2004).

            Sangandiwa ang “hypothetical moment” ni Habermas, “hyperreality” ni Baudrillard, “mirror of reality” ni Rorty, “postmodernism” ni Lyotard, “power” ni Foucault, “intertextuality” nina Kristeva at Barthes, “unconscious” ni Freud, “Ubermench” ni Nietszche… “poetikang bagay” nina Lumbera, “bagong formalismo” ni Almario, “pahiwatig” ni Maggay, “loob” nina Mercado, Alejo, Miranda at Emmanuel Lacaba; “pagmemeron” ni Ferriols; “babaylan” nina Datuin, “bagong kasaysayan” ni Salazar, “dalumat-pagkatao” ni Covar, “mapagpalayang sikolohiya” ni Enriquez, “bakla” ni Neil Garcia…Ngunit sa lahat ng ito, metapora lamang ang lahat. “Pagsibol ito ng binhi sa kaisapan tungkol sa sarili at sa bansa. Pagpapatatag ito ng haligi ng karunungang Filipino at pagsasanga ng matatayog na puno ng kalinangang Filipino. Pagdami ito ng mga hitik na prutas ng diskurso’t praktika, hanggang maging binhi ang mga buto, muli’t muli, para sa mas malalim at mas malawak na larangan sa loob at labas ng ating sarili’t bansa”(2004).

            Maramihang diwa, maraming bibig at dila, isang damukal na satsat, ‘sang katerbang problema, samutsaring opinyon, walang katapusang talastasan. Ang anyo’t nilalaman ng kaalamang Filipino’y nabubuo sa paglinang ng diskursong panloob at panlabas na may lalim at lawak. Samakatuwid, sangandiwa ang labas, loob, lalim at lawak ng lahat.  Sa ganitong bisyon, magsasanga-sanga ang diwa ng sarili at bansa. Saan kaya ito paroroon?

 

 

 

 

 

rhod v. nuncio

 

Nagpasya akong magising

Sa hilakbot ng dilim, habang

Nasa dulo pa ng aking tenga ang naimpit kong sigaw

Nang sa malikmata’y lumuluha ka ng dugo,

Nababalutan ng tinik ang dilang pinatigas,

Pinaikli, sinabuyan ng kusot at buhangin.

 

Namulatan kong humahangos ka

Walang saplot, tangan ang banig na

Winisikan ng tamod, pawis at sipon

Niyakap kita nang mahigpit,

Inugoy-ugoy sa aking balikat, tumatangis

Bumubulong, nagmamakaawa:

Sa pagpikit ng mata’y naduwal kang bigla.

 

Ngayon, ngayon na, naaalipungatan

Hubo’t hubad din ako, nagkikikisay ang kalamnan,

Bali-bali ang mga buto, basag ang bungo

Samantalang sa dulo ng kuweba,

Naririnig ko ang tinig ng saklolo,

Ngunit malayo na ako, malayong-malayo.

ni rhod v. nuncio

 

Sa mga administrador, mga guro, magtatapos, at mga estudyante, isang maganda at masayang hapon sa lahat!

 

Malaking hamon ang nakaharap sa ating lahat. Hindi ito basta-basta, hindi kaya ito ng mga laway na puhunan natin sa mga intelektwal na diskurso. Hindi ito kaya ng mga aklat na atin nang nabasa o mga sulating atin nang sinulat at ipinalimbag. Ang hamon ay gawing makatao, at higit sa lahat, makaFilipino ang posisyon ng intelektuwal, gawing pala-gawa imbis na pala-isip lamang tayo. Nakakalungkot na lagi na lamang ito ang paalala sa tuwing may pagtatapos. Hindi dahil sa makakalimutin tayo kundi dahil nalilinlang tayo ng panahon, ng kasalukuyang abalahin. Pangunahin sa hamong ito ang bisyon sa hinaharap at hindi sa kasalukuyan.

 

Paano magiging makatao ang intelektuwal? Dapat na isaalang-alang niya ang kanyang kapwa at huli ang sarili. Dapat na isulong niya ang kapatiran bilang bayanihan, sa pagsasabayan ng ating sarili sa ating kapwa. Lahat tayo’y may binhi ng bansa sa ating kalooban. Lahat tayo’y tao ng ating bansa, taong-bahay ng ating bayan. Naisip ko narin ang mangibang-bansa, (o layasan para sa iba) ang Pilipinas, dahil sa maraming nakakalungkot o nakakasuklam na dahilan. Bibitbitin ko sana ang buong pamilya at hahanap ng bagong kapalaran sa malayong lupain at hindi na magbabalik. Taong-bayan ako, taong-bansa ako. Parang bahay nga, kung aalis, kailangang bumalik. Kailangang alagaan, kailangang imintini at ikumpuni kung sira na. Ang bahay kung walang tao, hindi na bahay – ang bansa kung wala nang mamamayan ay hindi na bansa, hindi na bayan, hindi na estado. Kung kaya’t ang pagiging makatao ay makabayan din. Dalawang konsepto/valwasyon itong hindi dapat ipinaghihiwalay. Mayrong iba na mahal lamang ang bayan dahil nakikinabang sila – narito ang mga negosyo, malalawak na lupain, mga ari-arian,  at salapi. Subalit hindi nila mahal ang taumbayan. Hindi nila inaaruga ang mga taong nakatira rin sa bayang ito. Oo nga’t siguro’y makabayan sila pinapapatatag nila ang mga institusyon ng ating lipunan ang negosyo, pamahalaan, kalakalan, eskuwelahan at iba pa, subalit sa totoo lang makatao ba sila? Tayo? Makatao ba ako?

 

Sa dagsa-dagsang mga Filipinong lumuluwas, bumalik sana kayo at makataong kumpunihin ang sira-sirang bahay-bansa natin. Sa mga narito na, pagtibayin natin ang ating mga loob, marami pang krisis at pagsubok ang darating sa ating mga sarili at bansa. Sasalantain pa tayo ng mga krisis sa politika, at panlipunan. Ngunit anuman ang mangyari, kailangang maging makatao tayo sa gitna ng pagiging makabayan din natin.

 

Sa Sosyolohiyang Filipino, iisa lang naman ang institusyon natin ang “pamilya”. Sa Sikolohiyang Filipino, iisa lang naman ang konsepto ng kapwa, ang kapamilya o kamag-anak. Sa politikang Pinoy iisa lang naman ang mode of governance natin – political dynasty. Sa negosyong Pinoy – family conglomerates ito. Lahat umiikot sa pamilya. Kailangan nga sigurong pag-isipang muli at ikritika ang implikasyon ng ganitong pagpapahalaga o valorisasyon sa pamilya. Baka ito ang ugat ng ating problema o baka ito ang susi sa ating pag-asa. Ang buong bansa natin ay hindi binubuo ng geopolitikal na dibisyon ng kapitolyo, rehyonal, nasyonal, probinsyal, distrito, lungsod, munisipyo at baranggay. Ang geopolitikal na landscape ay pagkakahati-hati batay sa mga impluwensyal at makapangyarihang pamilya. Sa eleksyon, kitang-kita ang ganitong kayariang pambansa at lokal. Ang political dynasty ang makinarya ng elektoral na kultura natin. Pinapatakbo nito ang pagbagsak ng ating bansa, at pagtaas ng kani-kanilang pangalan, posisyong politikal, panlipunan at kultural. Sila-sila lang ang namamayani. Nawawala tayo ang taong-bayan, taumbayan. Ang sila-silang pananaw ang humahati sa ating lahat. Hindi tayo nakikisangkot. Kailangang buwagin ang pamilyang Pinoy – hindi ang literal na pamilya – kundi ang mitikal, metaporikal, ideolohikal na pamilyang Pinoy. Hindi ko sinasabing sirain na ninyo ang relasyon sa inyong mga kapamilya at kamag-anak at maghiwa-hiwalay tayong lahat pag-uwi natin sa ating mga bahay. Palitan natin ito ng kabansaan, gawin natin itong pamantayan. Kung gagawin ko ba ito, makakabuti ba ito sa bansa? Alam kong mahirap gawin ito, ngunit ang rebolusyong ito sa konsepto at ideolohiya ng pamilyang Filipino ay nangangailangan ng mahabang panahon. Kailangang pagdiskursuhan na ito at gawin na ang pagbabago.  

 

Naalala ko ang naging reaksyon ko sa isang panayam sa Pamantasang De La Salle – Maynila hinggil sa paksa ng child labor. Nasabi ko na maski sa ating mga bahay baka ganito ang sitwasyon, ang ating mga kasambahay, yaya at katulong ay under-age, minors pa ika nga. Maraming mga bata ang banat na ang buto, gutom, uhaw at hirap na hirap na sa buhay. Masuwerte ako at pinalaki ako ng maayos ng aking magulang. Masuwerte tayo at maayos ang ating mga kapamilya. Ngayon may anak na kami ni Beth, si Karl Angelo. Masuwerte siya at pinaplano namin ang kinabukasan niya. Subalit alam kong magiging malungkot lamang si Karl kung ganito. Magiging malungkot  ang hinaharap ng ating mga anak kung sa ating bakuran lamang tayo nag-iisip, kung sa kapamilya, kung sa anak ko lamang, kung para sa loob lamang ng pamilya natin.

 

Kailangang isipin din natin ang ibang bata, ibang kapwa. Kailangang isipin din natin ang kinabukasan ng ibang batang salat sa lahat. Kailangang buuin natin ang bahay nila sa hinaharap, ito ang bansa. Kailangang maging makatao at makaFilipino rin sila sa isa’t isa. Sabi ko kanina, lahat tayo’y may binhi ng bansa sa ating kalooban. Hindi kayo ang dapat magpalago niyan, hindi ang mga sarili ninyo. Kailangang patubuin, palaguin ang iba. Ito ang esensiya ng pagiging makaFilipino – ang maging Filipino para sa iba.

 

Dalawa ang kahulugan ng makaFilipino: ang proseso ng pagiging Filipino – becoming, at ang pagiging Filipino – being. Ito ang pamana ng kanluraning pilosopiya, ang dualismo ng being at becoming. Subalit ang ikatlong implikasyon ay “para sa Filipino”, ang pagiging makaFilipino ay para sa kapwa Filipino.

 

Kung ikokonteksto ko ito sa programang Philippine Studies, kailangang magkaroon tayo ng graduate fellowship program sa sariling bansa. Hind kailangang lumabas lagi ng bansa para maghanap ng research grant at fellowship program. Kailangang matuto tayo sa isa’t isa. Ang mga taga-MSU,  mga propesor at mga estudyante nila, at sa ibang kolehiyo’t unibersidad ay maaaring mag-fellowship/research program sa UP, De La Salle at Ateneo, at iba pa. Sa buong kapuluan. Marami tayong matutuhan sa isa’t isa. Huwag nating gawing ang Philippine Studies ay Manila Studies o Luzon Studies lamang. Saka tayo dumugtong sa Southeast Asian Studies at sa ibang lunsaran ng pag-aaral. Siyempre pa, patutubuin ng akademya ang butil ng pagkabansa at pagkaFilipino. Ito ang sama-samang hamon natin ngayon at sa mga darating pang mga araw. Maraming salamat po!

 

(valedictory address na binasa para sa mga magsisipagtapos ng PhD Philippine Studies sa Asian Center, UP-Diliman, Abril 2007)

ni rhod v. nuncio

 

Inabot ako ng walong taon dahil ito ang tagal ng aking pagbabasa sa 100 aklat na sinimulan ko noong ako’y nasa Kolehiyo ng San Beda, at pinakamarami noong magsimula nang mag-MA hanggang PhD. Siyempre hindi lang 100 ang mga aklat na nabasa ko, marami pang iba na koleksyon namin sa aming makeshift library.  

     Unang pamantayan sa pagpili ang tindi ng dating ng aklat sa aking sarili – nabago ang aking pananaw, paniniwala, kaalaman. Nagpaiyak, nagpatawa, nakapagpagising ang mga ito ng aking sensibilidad at nakapagturo ng maraming bagay tungkol sa ating bayan, sa kapwa, sa aking profesyon ngayon at sa mga gagawin pa. In short, transformative learning ito.

     Ikalawa, ang presentasyon ng aklat, estilo sa pagsulat at gamit ng wika – nakakaakit basahin, sensitibo at malay sa pangangailangan ng mambabasa, simple ngunit malaman ang nilalaman ng mga pangungusap, talata, imahe, atbp. 

     Ikatlo, ang mga akdang lumabas simula sa panahong nalalagas na ang Martial Law. Kung kaya’t 3 dekada ang ibig sabihin ko ng “kontemporaryo”. Ito na kasi ang naabutan ko at nasaksihan kung paano ang ilan sa mga akda naging impluwensiyal sa panahong ito. 

Ok, ok ito na ang ranking:

  1. Erick Slumbook ni Fanny A. Garcia
  2. Writing the Nation/Pag-Akda ng Bansa ni Bienvenido Lumbera
  3. Bukod na Bukod ni Isagani R. Cruz
  4. The Pretenders ni F. Sionil Jose
  5. Sikolohiyang Pilipino: Teorya, Metodo at Gamit inedit ni Rogelia Pe Pua
  6. Dekada ’70 ni Lualhati Bautista
  7. Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan sa patnugot nina Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, Vicente Villan
  8. Larangan ni Prospero Covar
  9. A Scrapbook about Edsa 2: People Power uli! ng Philippine Center for Investigative Journalism
  10. Tao Po! Tuloy!: Isang Landas Ng Pag-Unawa Sa Loob Ng Tao ni Albert E. Alejo
  11. Sa mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes
  12. Kung Di Man ni Ruth Elynia S. Mabanglo
  13. Twisted ni Jessica Zafra
  14. ABNKKBSNPLAko?! Mga kuwentong chalk ni bob ong
  15. House of Memory ni Resil B. Mojares
  16. Nation, Self and Citizenship: An invitation to Philippine Sociology ni Randy David
  17. Pasyon and Revolution ni Reynaldo Ileto
  18. Reinventing the Filipino Sense of Being & Becoming ni Arnold Molina Azurin
  19. Barriotic Punk ni Mes De Guzman
  20. Bones of Contention ni Ambeth R. Ocampo

Abangan din ang mga ito:

   ·  100 OPM na dapat ninyong pakinggan bago kayo mabingi!

   ·  100 Pelikulang Filipino na dapat ninyong panoorin bago malaos ang DVD!

   ·  100 tesis at disertasyon na hindi pa naililimbag na kailangang maging aklat bago pa mahuli ang lahat!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

  1. 40 stories of passion ni Bo Sanchez
  2. 8 secrets of the truly rich : how you can create material wealth and gain spiritual abundance at the same time ni Bo Sanchez
  3. A Scrapbook about Edsa 2: People Power uli! ng Philippine Center for Investigative Journalism
  4. A study of Philippine games ni Mellie Leandicho Lopez
  5. ABNKKBSNPLAko?! Mga kuwentong chalk ni bob ong
  6. Alamat ng Ampalaya ni Augie Rivera
  7. Ang Ambisyosong istetoskop ni Luis P. Gatmaitan
  8. Ang Bayan sa Labas ng Maynila ni Rosario Cruz-Lucero
  9. Ang mga Kuwento ni Lola Basyang ni Severino Reyes muling isinalaysay ni Christine S. Bellen
  10. Ang Mundong Ito ay Lupa ni Edgardo M. Reyes
  11. Ang Sandali ng mga Mata ni Alvin Yapan
  12. Ang Unang Baboy sa Langit ni Rene Villanueva
  13. Anting-Anting ; o, Kung bakit nagtatago sa loob ng bato si Bathala ni Nenita D. Pambid
  14. Anyaya ng Imperyalista ni Ruth Elynia Mabanglo
  15. Bagets : an anthology of Filipino young adult fiction inedit nina Carla M. Pacis, Eugene Y. Evasco
  16. Barriotic Punk ni Mes De Guzman
  17. Bata…Bata Paano ka Ginawa? ni Lualhati Bautista
  18. Bedtime Stories: Mga Dula sa Relasyong Sexual ni Rene O. Villanueva
  19. Believe and Betray ni Cirilo Bautista
  20. Between the Homeland and the Diaspora ni S. Lily Mendoza
  21. Bones of Contention ni Ambeth R. Ocampo
  22. Bonifacio’s Bolo ni Ambeth R. Ocampo
  23. Buhay Pinoy ni Fanny A. Garcia
  24. Bukod na Bukod ni Isagani R. Cruz
  25. Cogito Ergo Sum and other musing on Science inedit ni Queena N. Lee-Chua
  26. Comfort food inedit ni Erlinda Enriquez Panlilio
  27. Creative Nonfiction: A reader inedit ni Cristina Pantajo Hidalgo
  28. Culture and History ni Nick Joaquin
  29. Dekada ’70 ni Lualhati Bautista
  30. Edifice Complex: Power, Myth and Marcos State Architecture ni Gerard Lico
  31. Erick Slumbook ni Fanny A. Garcia
  32. Eros Pinoy: An Anthology of Contemporary Erotica in Philippine Art and Poetry inedit nina Virgilio Aviado, Ben Cabrera and Alfred A. Yuson
  33. Etsa Puwera ni Jun Cruz Reyes
  34. Filipiniana Reader inedit ni Priscelina Patajo Legasto
  35. From Colonial to Liberation Psychology ni Virgilio Enriquez
  36. Gender-Sensitive and Feminist Methodologies inedit ni Sylvia Guerrero
  37. Himagsik : pakikibaka tungo sa mapagpalayang kultura ni E. San Juan, Jr.
  38. History and form : selected essays ni E. San Juan, Jr.
  39. House of Memory ni Resil B. Mojares
  40. Image to Meaning ni Alice G. Guillermo
  41. Iskrapbuk ni Allan N. Derain
  42. Krisis at Rebolusyong Pilipino ni Jose Ma. Sison
  43. Kung Di Man ni Ruth Elynia S. Mabanglo
  44. Ladlad nina J. Neil Garcia at Danton Remoto
  45. Lahi ni Adan : kuba at iba pang kuwento ni Nonon Villaluz Carandang
  46. Larangan ni Prospero Covar
  47. Laro sa Baga ni Edgardo M. Reyes
  48. Liktao at Epiko ni Zeus Salazar
  49. Makinilyang altar ni Luna Sicat-Cleto
  50. Mass ni F. Sionil Jose
  51. Mga Biyahe, Mga Estasyon ni Rio Alma
  52. Mga Talinghaga sa Laylayan ni Elizabeth Morales-Nuncio
  53. Nation, Self and Citizenship: An invitation to Philippine Sociology ni Randy David
  54. Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular ni Soledad S. Reyes
  55. Pahiwatig ni Melba Padilla Magay
  56. Palabas : essays on Philippine theater history ni Doreen G. Fernandez
  57. Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan nina Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, Vicente Villan (mga patnugot)
  58. Pasyon and Revolution ni Reynaldo Ileto
  59. Pera mo, palaguin mo! ni Francisco Colayco
  60. Philippine Folk Literature: Folktales ni Damiana Eugenio
  61. Philippine Folk Literature: The Myths ni Damiana Eugenio
  62. Philippine Ghost Stories ng PSICOM
  63. Poetika/Politika ni Bienvenido Lumbera
  64. Pugad Baboy ni Pol Medina Jr.
  65. Quiapo: Heart of Manila inedit ni Fernando Nakpil Zialcita
  66. Reinventing the Filipino Sense of Being & Becoming ni Arnold Molina Azurin
  67. Revaluation 1997 ni Bienvenido Lumbera
  68. Richard Gomez at ang Mito ng Pagkalalake, Sharon Cuneta at ang Perpetwal na Birhen at iba pang sanaysay ukol sa Bida sa Pelikula bilang Kultural na Texto ni Rolando B. Tolentino
  69. Rizal without the Overcoat ni Ambeth R. Ocampo
  70. Sa Loob at Labas ng Mall Kong Sawi, Kaliluha’y Siyang Nangyayaring Hari ni Rolando Tolentino
  71. Sa mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes
  72. Sa ngalan ng ina : sandaang taon ng tulang feminista sa Pilipinas, 1889-1989 / Lilia Quindoza Santiago
  73. Sa Sariling Bayan: Apat na Dulang may Musika ni Bienvenido Lumbera
  74. Salamanca ni Dean Francis Alfar
  75. Sandaang Damit ni Fanny A. Garcia
  76. Sarilaysay: Tinig ng 20 Babae sa Sariling Danas Bilang Manunulat ni Rose Torres-Yu
  77. Sikolohiyang Pilipino: Teorya, Metodo at Gamit inedit ni Rogelia Pe Pua
  78. Sins ni F. Sionil Jose
  79. Sipat Kultura: Tungo sa Mapagpalayang Pagbabasa, Pag-aaral at Pagtuturo ng Panitikan ni Rolando Tolentino
  80. Smaller and Smaller Circles ni F.H. Batacan
  81. Space and identity : expressions in the culture, arts and society of the Muslims in the Philippines ni Abraham P. Sakili
  82. Stainless Longganisa ni bob ong
  83. Tao Po! Tuloy!: Isang Landas Ng Pag-Unawa Sa Loob Ng Tao ni Albert E. Alejo
  84. The Best of Alipin ni Jess Abrera
  85. The Governor-General’s Kitchen, Philippine Culinary Vignettes and Period Recipes 1521-1935 ni Felice Prudente Sta. Maria
  86. The I Stories inedit at tinipon ni Augusto V. De Viana
  87. The Knowing is in the Writing ni Jose Y. Dalisay Jr.
  88. The Nymph of MTV ni Angelo Suarez
  89. The Pretenders ni F. Sionil Jose
  90. The Rene O. Villanueva Children’s Reader ni Rene Villanueva
  91. Three Centuries of Binondo Architecture 1594-1898 ni Lorelei D.C. De Viana
  92. Tikim : essay on Philippine food and culture ni Doreen Fernandez
  93. Tinig at Kapangyarihan: Mga Kuwentong Buhay ng Kababaihang Manggagawa sa Bahay ni Rosalinda Pineda Ofreneo
  94. Tounges on Fire ni Conrado de Quiros
  95. Trip to Quiapo ni Ricky Lee
  96. Twisted ni Jessica Zafra
  97. Txt-ing Selves: Cellphones and Philippine Modernity nina Raul Pertierra, Eduardo Ugarte, Alicia Pingol, Joel Hernandez at Nikos Lexis Dacanay
  98. Utos ng Hari at iba pang kuwento ni Jun Cruz Reyes
  99. Working Women of Manila in the 19th Century ni Ma. Luisa Camagay
  100. Writing the Nation/Pag-Akda ng Bansa ni Bienvenido Lumbera

(mahigit walong taong pinagpilian ni rhod v. nuncio)

 

 

ni rhod v. nuncio

Buhat sa malawakang paggamit ng kompyuter at internet sa kasalukuyang panahon nagkakaroon ng mabilis na pagbabago sa ating pamumuhay at lipunan. Magandang usisain ang tatlong paradaym na bumabalot sa ating relasyon sa kompyuter at kung paano nito binabago ang ating gawi’t pananaw.

 

Paradaym ng makina

        Sa ganitong pananaw magkahiwalay pa o may distansiya pa ang tao at kompyuter. Tinitingnan ang kompyuter bilang kagamitan (device) o bilang makina sa modernong panahon. Ayon nga kay Borgman (1984) sa aklat niyang Technology and the Character of Contemporary Life , ito ang “device paradigm”. Naiisip lamang gamitin ang kompyuter upang gawin ang mga bagay sa mabilis at maayos na paraan. Kadalasan ang paradaym na ito ang humuhusga sa lumang teknolohiya. Pinapalitan ng makina ang lumang kagamitan o kagamitang hindi na nakapagbibigay ng akmang output sa ninanais na task o gawain. Halimbawa, ang pagpalit sa makinilya ng kompyuter. Kahit na may silbi pa rin naman ang makinilya, nagiging artifact na lamang ito o pananda sa panahong lumipas. Halos lahat ng ofisina ay mga kompyuter na ang ginagamit, habang ang makinilya nasa sulok, naghihintay ng panahong magagamit muli. Ang halina ng kompyuter ay ang pagiging mabilis nito kumpara sa pinalitan nitong makina o device, gayundin ang napakaraming nagagawa pa nito bukod sa pag-type lamang o word processing.

Dalawa ang pangunahing usapin tungkol sa paradaym na ito. Una, ang distansiya o espasyo sa pagitan ng tao at kompyuter. Samutsari pa ang atensyon at obligasyon ng tao sa kanyang panlipunang partisipasyon. Makabuluhan pa ang kanyang pananatili sa paligid niyang nangangailangan ng kanyang pisikal na presensiya: sa bahay, paaralan, simbahan, ofisina, palaruan, palengke, parke, at iba pa. Nahuhulma pa ng mga institusyon o lokasyong ito ang pagkatao ng isang tao. Ang kompyuter ay isa sa mga kasangkapan sa buhay at hanapbuhay. Hindi ito ang tanging kailangan lamang. Saka lamang lalapit sa kompyuter kung mayroong kailangang gawin gamit nito. Kung wala ang kompyuter madaling makaisip ng ibang kapalit o alternatibo para matupad ang gawain.

        Ikalawa, ang panahon ng paggamit ay mabibilang lamang sa daliri. Kapiranggot na oras lang ang inalalaan sa paggamit ng kompyuter—para magprint, magtype ng sulat, gumawa ng balance sheet at iba pa. Kinakasangkapan lamang ang kompyuter sa panahong may pangangailagan. Wala pang continuum ng espasyo at panahon sa paggamit nito.

       

Paradaym ng extensyon

        Ang isang kagamitang teknolohikal ay nagiging extensyon ng tao kung ang kapasidad ng huli’y kailangang pag-ibayuhin gamit ng nasabing teknolohiya. Ang mahalagang marka nito’y tao ang naghahanap ng extensyon, tao ang nauuna at hindi ang makina. Nagkakaroon ng buhay ang gamit dahil sa tao, hindi ang kabaligtaran nito.      

Naaayon ang extensyong teknolohiya sa taong may kakulangan at kapansanan, o ikalawa, naaayon din ito kung gustong maging higit ang gustong maging kakayahan ng isang tao. Sa unang pagkakataon, ang isang halimbawa nito’y hearing aid. Hindi ready-made ito. Kailangang ipasuri ang tenga sa isang EENT o dalubhasang doktor. Hindi rin “mass produced” ang hearing aid dahil hindi naman marami-rami ang bingi sa lipunan. Subalit nagiging extensyon ito ng pandinig ng tao.

Sa ikalawang pagkakataon, ang extensyong teknolohiya ay nalikha upang sangkapan ng higit pang kakayahan ang tao. Dito pumapasok ang kompyuter. Upang maging mabilis at kahanga-hangang sekretarya, kailangang matuto ng kompyuter. Upang matanggap sa trabaho, kailangang techno-savvy ang isang aplikante. Kailangang napapasobrahan ng kakayahan at kahusayan ang isang tao, upang ganap siyang kapaki-pakinabang. Sa unang paradaym, ang makinilya ay nakatali sa hayrarkiya sa ofisina. Tanging mga sekretarya ang humahawak nito. Nakatali ito sa kanilang job description. Subalit sa paggamit ng kompyuter, wala ng hayrarkiya, dapat kahit paano, kundi man obligado, marunong lahat nito. Hindi ito job description lamang, job requirement ito. Marami pang function ang kompyuter, lalo nang naimbento ang internet.

Dahil sa kompyuter nababago na rin ang lokasyon ng trabaho. Nagiging extensyon na ng ofisina ang bahay, dahil dinadala ang gawain sa bahay sa pamamagitan ng kompyuter. Nasa kompyuter ang ginagawang proyekto na kayang i-save sa diskette, memory disk, o i-burn sa cd. Dahil sa imbensyon ng laptop, at personal digital assistant (PDA), ang trabaho’y kasamang naglalakbay din. Sa pagdating ng internet, lalong na-extend ang trabaho saan man, kailanman, anuman ang iba pang ginagawa, Hindi lang extensyon, kundi koneksyon. Konektado na ang lahat ng may kompyuter at internet sa global na infrastruktura ng komunikasyon at impormasyon sa pamamagitan ng email, egroup, chat, at marami pang gamit nito.

 

Paradaym ng Cybernetic

Ang huling paradaym ay tungkol sa cybernetic na relasyon sa pagitan ng kompyuter at tao. Ano ang cybernetic? “Coined from the Greek word for “steersman,” cybernetics signalled that three powerful actors—information, control, and communication—were now operating jointly to bring about an unprecedented synthesis of the organic and the mechanical” (Hayles, 1999:8). Sa pag-aaral ni N. Katherine Hayles (1998) ipinaliwanag niya ang iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng relasyon ng tao’t kompyuter mula sa unang mga experimento ng artificial intelligence (AI) at ang posibilidad ng pagkakaroon ng cyborg (kalahating tao, kalahating makina).

        Sa kasalukuyan dahil sa paglitaw ng internet, lalong nahumaling ang mga tao sa paggamit ng kompyuter. Hindi na lamang isang makina o extensyon ang kompyuter, nagluluwal na ito ng isang mundo o realidad na tinatawag ngayong “cyberspace” (Benedikt, 2000) Ito ang virtual na mundo na nagpapaliwanag sa kontexto at lokasyon ng makapit na relasyon ng tao’t kompyuter sa madalas na paggamit ng search engine, websites, email, chat, online game at marami pang iba

        Sa mga darating na panahon dala na rin ng mga experimentasyon at mga pananaliksik sa teknolohiya ng impormasyon at komunikasyon, susulpot pa ang ilang gawi   at paradaym na patuloy na babago sa ating pagkatao at realidad. 

 

(Unang nailimbag sa   www.dlsu.edu.ph/offices/mco/publications/2401/20061204.pdf )

rhod v. nuncio

 

I ask you: Give me reasons to convince myself

That the revolution would never falter

That great men would not abandon me

And the ideals of my conviction would still

Be there to make me strong to believe.

 

“We are the ghosts of past strife, victims

Of comrades in badges, guns, goons and gold.”

“We are the tortured enemies of the state

Shouting in the background of decentered forest.”

 

We sing our songs in honor of our origins:

“Mother, mother why have you forsaken me?”

 

Birds of prey soaring high with miraculous veil

Covering the truth of my children’s dreams.

Systems of chaos, order of complex, men and women

Defied the anointed logos of civil deity.

 

“We are good spirits in a congested city, of lumpen

gathered to attack your majesty.”

“We are small creatures of our inescapable class

Without guidance and care of higher species from above.”

 

I look at the mirror to convince myself repeating soliloquy:

“What am I fighting for when the battle has already won?

Why am I here when the herd denies my existence?”

But again my guilt never escapes me

So please allow me to wash my hands

And tell you the truth to persuade myself:

I am the enemy of my comrades here and now

Whence before I was rebellion in red blazing fire.

 

rhod v. nuncio

 

Quicksand of sorrows stab me slow

When nights of discontent send no respect

Soldiers of crescent moon wash bloods

Of the deepest pain waged in wars and guilt

 

Imperial snows on brown skinned earth

Othering the subaltern of dried leaves,

Colored dress, hidden faces of pale blue eyes

Bloom amidst sweats of great labor of madness

 

Arrows of strong army invading royal soil

Where ancestors’ soul rage in stones underneath

Vulcan’s mouth spewing hot tempered heads

Masters and slaves fight to the last silence of breath

 

Free us from the vicious time of forgetfulness

When power corrupts spaces of pristine heritage

When will the war and sufferings end?

In the land of my people all dying to make amends.

 

ni rhod v. nuncio

 

Nais kong magsimula sa pasasalamat. Salamat sa lahat ng aking kadepartamento, sa mga kaibigan at kritiko. Mahirap na tungkulin ang pagiging tagapangulo ngunit sa tulong ng mga kasama nagiging magaan ang gabundok na trabaho. Bilang Bedista naging gabay ko lagi ang dasal at gawa (ora et labora) para maisakatuparan ang mga plano’t proyekto. Sa UP ako namulat nang inukit sa isipan ko at pinaramdam sa puso ko ang kapakanan ng bayan – ang silbi ng lahat ng gawa at dasal para sa sambayanan. Sa La Salle ko natutuhan na dapat laging magtagumpay, na dapat lumitaw ang liwanag sa gitna ng karimlan, na kailangang manindigan para sa sarili, sa kapwa at sa bayan. Mga pilosopiyang gabay ito sa paglilingkod. Ang pagiging tagapangulo ay lider na naglilingkod.

        Sa pagtatapos ng aking termino bilang pinuno ng departamento sa loob ng isang taon, hayaan ninyong balikan ko ang kolektibong ani ng lahat. Ulat ito ng paglilingkod.

 

1. FLACIPS. Bago pa man ako umupong tagapangulo noong Mayo 16, 2007 pinamunuan ko muna ang Filipino Language & Cultural Immersion Program for Singaporeans . Si Dr. Fanny A. Garcia, dating tagapangulo, ang siyang naging instrumental para maaprubahan ang proyektong ito sa pagitan ng departamento at ng SEAMEO-Regional Language Center. Apat na buwang programa ito kasama ang limang Singaporean na natutong mag-Filipino at makiulayaw sa ating kultura. Nang ako’y tagapangulo na, naging pangalawang tagapangasiwa si Ms. Vangie Encabo para sa FLACIPS.

 

2. External na koordinasyon. Pinalakas ng aking pamunuan ang pakikipag-ugnayan sa labas ng pamantasan at ng bansa. Kasama ang mga opisyales ng Wika, Ink. Hinabla namin si Pangulong GMA sa Korte Suprema. Hanggang ngayon, dinidinig pa ang aming petisyon na ipawalang bisa ang EO210. Sumali rin ang departamento noong Agosto-Setyembre 2007 sa Pingkian , ang kauna-unahang debateng Filipino, at nakamit nina Dino De Leon, Gabby Pabico at Kenneth Paranada ang ikalawang puwesto. Si Dr. Rizalyn Mendoza ang tumayong koordineytor sa ugnayang external. Pareho kaming naimbitahan sa University of San Carlos-Cebu para magsalita sa Pambansang Seminar sa Filipino roon. Nakipag-ugnayan din siya sa Israel Embassy, sa NUS, at sa isang unibersidad sa Thailand para sa mga posibleng kolaborasyon sa hinaharap.

 

3. Sangandiwa Worksyap. Pinasimulan ng departamento ang kauna-unahang palihan ng mga kritikal/iskolarling sulatin noong Nobyembre 2007. Walong gradwadong kalahok ang kasali rito mula sa mga kolehiyo’t pamantasan sa Metro Manila kasama na ang galing sa DLSU. Sina Vincent Tan, Winton Ynion, Louie Jon Sanchez, Vangie Encabo ang naging kalahok mula sa departamento at sina Moreal Camba (UAP), Clod Yambao (UP-D), Wennie Fajilan (UP-D), at Aurora Tirad (Marikina Polytechnic College) naman ang ibang kalahok.

 

4. Graduate Fellowship Program. Inaprubahan ng Vice Chancellor for Research at ng Vice Chancellor for Academics noong Disyembre 2007 ang pagkakaroon ng graduate fellowship program. Ang walong graduate fellows ay mga kalahok sa Sangandiwa worksyap. Libre ang paggamit nila ng DLSU library sa loob ng isang taon at kinakailangan din silang magbasa ng papel sa klase o forum sa panahong fellows sila. 

 

5. OneFil Project. Nanguna ang departamento sa buong CLA sa mungkahing magkaroon ng bersyong distance at online learning ang mga gradwadong programa ng departamento. Aprubado na ito ng Council of Chairs ng CLA noong Enero 2008 at iaakyat pa sa ibang tanggapan para mapag-usapan at mapagdesisyunan. Ang mga kurso sa MAARFIL at PHARFIL ay ituturo gamit ng IVLE at distance education mode. Naging tampok ng poster presentation ni Dr. Rizalyn Mendoza sa Filipino as a Global Language Conference sa University of Hawaii-Manoa ang bisyon at programa ng OneFil project. Kasama rin sa proyektong ito si Dr. Lhai Taylan, koordineytor ng gradwadong programa, at fakulti na nagtuturo sa antas-gradwado.

 

6. Website ng Departamento. Nitong Pebrero 2008 kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Sining, inilunsad ang website ng departamento ng Filipino. Nakaangkla ang proyektong ito para sa pagsasakatuparan ng OneFil project at para na rin sa marketing ng mga gradwadong programa ng departamento. Makikita sa website ang mga fakulti, proyekto, riserts, at portal patungong IVLE. (http://www.dlsu.edu.ph/academics/colleges/cla/filipino/ )

 

7. Alinaya. Kasabay ng paglabas ng website ang unang edisyon ng Alinaya , ang online newsletter ng departamento. Sina Nonon Carandang at Joel Orellana ang mga patnugot ng newsletter. Muli, kauna-unahan ito sa CLA.

 

8. Fellowship sa Midya. Nitong Marso 2008 pinasimulan ang proyektong ito matapos aprubahan ni Vice Chancellor for Academics Dr. Julius Maridable. Layunin nito na makipag-ugnayan sa industriya ng midya at makakuha ng magagaling na praktisyoner na magtuturo at magririserts sa departamento.

 

9. Office equipment. Sa kabuuan ng isang taong paglilingkod, maraming equipment ang nabili ng departamento: mga kompyuter para sa fulltimer, Viewsonic LCD projector, Creative Divicam, DVD player, mga printer, at UPS.

 

10. Gawad Lasalyano sa Filipino 2008. Ngayong Abril 2008 bilang huling hirit, iniharap ko sa miting sa Taytay, Rizal ang Gawad Lasalyano sa Huwarang Guro sa Filipino, Pinakamahusay na Tesis/Disertasyon at Pinakamahusay na Aklat sa Filipino. Sa Buwan ng Wika 2008 ang seremonya ng paggawad. Lagi’t laging bisyon ko ang mapabilis ang intelektuwalisasyon ng ating wika sa pamamagitan ng mga inobatibong proyekto’t programa tulad nito. Pagpapatuloy lamang ito sa maganda’t mabungang simulain ng departamento.

 

Natapos man ang paglilingkod ko bilang tagapangulo, marami pang paglalakbay at serbisyong Lasalyano ang gagawin. Nawa’y maipagpatuloy ni Dr. Josefina Mangahis, bagong tagapangulo, at ng mga kadepartamento ang mga nasimulan at napagtagumpayan nating lahat. Hangad ko rin ang marami pang ani at tagumpay natin mula sa maraming gawa’t dasal. Muli, maraming-maraming salamat po!

 

(unang nalathala sa Alinaya , http://www.dlsu.edu.ph/academics/colleges/cla/filipino/alinaya/alinaya_1-2.pdf )