Ako si Britanico Salim


Ako si Britanico Salim. Isinilang ako sa mundo ng komiks. Noong 1970s dinala ako sa Bicol ng aking mga magulang dahil nagtanan sila at nagpakalalayo-layo sa aking lola. Ayaw ng lola ko sa aking ama dahil hindi sila magkakulay ng aking ina bukod pa sa paniniwalang hindi kayang buhayin ng ama ko ang kanyang pamilya. Parang komiks talaga! Isa pa nakaamoy na silang magkakagulo sa Maynila sa panahon ni Marcos kaya’t nag-alsa-balutan sila! Oo nga, Martial Law baby ako. Cute na martial law baby J

 

Sa komiks din galing ang pangalan ko dahil sa napagkatuwaan ako ng aking mga tiyo, tiya’t mga kasambahay nila noon. Ipinangalan nila ako sa karakter sa komiks na malaki ang ulo. Hindi ko naman alam kung anong komiks ito, anong titulo? Ano ang kuwento ni Britanico? Hindi rin matandaan ng aking ina.

 

Siguro ako ang kuwento ni Britanico. Ako ang kabuuan ng komiks na bubuhay sa pakikipagsapalaran ng ating bida. J

 

Patpatin ako at sakitin noon. Hindi ako gumagalaw sa sulok basta’t mahinahon at walang kibong masaya na akong nakaupo. Ang matabil kong kuya nilalagyan ako noon ng mahabang lapis sa ulo na nakatukod sa aking balikat. Sa laki raw ng ulo ko hindi ko na ito kayang buhatin! Kung walang tukod, lagi itong nakabaling sa kanan o kaliwa, depende sa puwersa ng gravity.

 

Bulong-bulungan noon sa Bicol na matalino raw ako at magiging henyo pagdating ng araw. Kailan kaya darating iyon?

 

Hindi pa uso noon ang mga sopistikadong gatas na kayang gawing “super-gifted child” ang mga beybi. Natatandaan ko Alaska ang iniinom ko noon. Tandang-tanda ko ito kasi laging nakangisi ang batang nasa leybel ng delatang gatas. Alam kong Alaska iyon (free plugging J)  at hanggang ngayon nakangisi pa rin siya.

 

Tama nga siguro ang aral ng Hinduismo na sukdulan ang pagkabanal ng mga baka. Reinkarnasyon tayo, kasama pati ang mga diyos at diyosa ng mga Hindi, ng mga baka.

Maaaring totoo ito dahil ang buong sansinukuban ay umiinom ng gatas ng baka. May epekto kaya ang gatas ng baka sa ating genes? May genes na rin kaya tayo ng baka (mutation)? Kung gusto akong sagutin ng isang sikat na geneticist o isang sikat na walking enclopedia, mangyaring mag-email sa: dalumatgahum@gmail.com. Kung ayaw n’yo naman, si Kuya Kim na lang ang tatanungin ko.

 

Pero matindi ang bakbakan ng gatas ng baka at gatas ng ina sa kasalukuyang panahon.

Sabi nga sa patalastas sa tv:

 

Ang gatas ng baboy ay para sa mga biik.

Ang gatas ng aso ay para sa mga tuta.

Eh ang baka…para sa mga tao?

Hindi hayop ang beybi!

 

Holy cow! Maraming maluluging infant formula milk nito. Pero sa totoo lang ang pagpapasuso ng ina sa kanyang sanggol ay higit pa ring pinakamagaling na praktis. Kahit alam nating medyo nagagalit na si daddy dahil wala nang panahon si mommy sa kanya. Hindi rin makagaya si daddy kay junior dahil sampal ang aabutin niya kay mommy. Totoong pag nabuntis si mommy hanggang sumapit sa isa hanggang dalawang taon si beybi, laging weyting si daddy. Ang atensyon ni mommy laging nasa beybi.

 

Kaya laging nagsasarili si daddy, nasa sulok, pinagpapawisan, mabilis ang tibok ng puso, at nanggagalaiting:

 

a)     sinusuntok ang pader ng kuwarto,

b)     naglalaba ng lampin ng beybi,

c)      nagpapaypay sa kanyang mag-ina,

d)     all of the above.

 

Hindi kaya maraming lamang tubig lang ang ulo ko noon kung kaya’t malaki ito tingnan?

Hindi kaya sobra ang pagkakauntog ko noon at namaga lang ito at hindi gumaling ng 21 taon? Para akong lolipop noon – payat  pero saksakan ng laki ang ulo!

 

Ako si Britanico Salim

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s