1-20 Ranking mula sa 100 Kontemporaryang Filipinong Aklat na Dapat ninyong Basahin Bago Kayo Kunin ni Lord!


ni rhod v. nuncio

 

Inabot ako ng walong taon dahil ito ang tagal ng aking pagbabasa sa 100 aklat na sinimulan ko noong ako’y nasa Kolehiyo ng San Beda, at pinakamarami noong magsimula nang mag-MA hanggang PhD. Siyempre hindi lang 100 ang mga aklat na nabasa ko, marami pang iba na koleksyon namin sa aming makeshift library.  

     Unang pamantayan sa pagpili ang tindi ng dating ng aklat sa aking sarili – nabago ang aking pananaw, paniniwala, kaalaman. Nagpaiyak, nagpatawa, nakapagpagising ang mga ito ng aking sensibilidad at nakapagturo ng maraming bagay tungkol sa ating bayan, sa kapwa, sa aking profesyon ngayon at sa mga gagawin pa. In short, transformative learning ito.

     Ikalawa, ang presentasyon ng aklat, estilo sa pagsulat at gamit ng wika – nakakaakit basahin, sensitibo at malay sa pangangailangan ng mambabasa, simple ngunit malaman ang nilalaman ng mga pangungusap, talata, imahe, atbp. 

     Ikatlo, ang mga akdang lumabas simula sa panahong nalalagas na ang Martial Law. Kung kaya’t 3 dekada ang ibig sabihin ko ng “kontemporaryo”. Ito na kasi ang naabutan ko at nasaksihan kung paano ang ilan sa mga akda naging impluwensiyal sa panahong ito. 

Ok, ok ito na ang ranking:

  1. Erick Slumbook ni Fanny A. Garcia
  2. Writing the Nation/Pag-Akda ng Bansa ni Bienvenido Lumbera
  3. Bukod na Bukod ni Isagani R. Cruz
  4. The Pretenders ni F. Sionil Jose
  5. Sikolohiyang Pilipino: Teorya, Metodo at Gamit inedit ni Rogelia Pe Pua
  6. Dekada ’70 ni Lualhati Bautista
  7. Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan sa patnugot nina Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, Vicente Villan
  8. Larangan ni Prospero Covar
  9. A Scrapbook about Edsa 2: People Power uli! ng Philippine Center for Investigative Journalism
  10. Tao Po! Tuloy!: Isang Landas Ng Pag-Unawa Sa Loob Ng Tao ni Albert E. Alejo
  11. Sa mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes
  12. Kung Di Man ni Ruth Elynia S. Mabanglo
  13. Twisted ni Jessica Zafra
  14. ABNKKBSNPLAko?! Mga kuwentong chalk ni bob ong
  15. House of Memory ni Resil B. Mojares
  16. Nation, Self and Citizenship: An invitation to Philippine Sociology ni Randy David
  17. Pasyon and Revolution ni Reynaldo Ileto
  18. Reinventing the Filipino Sense of Being & Becoming ni Arnold Molina Azurin
  19. Barriotic Punk ni Mes De Guzman
  20. Bones of Contention ni Ambeth R. Ocampo

Abangan din ang mga ito:

   ·  100 OPM na dapat ninyong pakinggan bago kayo mabingi!

   ·  100 Pelikulang Filipino na dapat ninyong panoorin bago malaos ang DVD!

   ·  100 tesis at disertasyon na hindi pa naililimbag na kailangang maging aklat bago pa mahuli ang lahat!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

1-20 Ranking mula sa 100 Kontemporaryang Filipinong Aklat na Dapat ninyong Basahin Bago Kayo Kunin ni Lord!

7 thoughts on “1-20 Ranking mula sa 100 Kontemporaryang Filipinong Aklat na Dapat ninyong Basahin Bago Kayo Kunin ni Lord!

  1. Nakakaaliw ka naman. Alam mo ba. Hindi ko na naiisip ang suicide dahil sa mga post mo. hahahahaha!!! Nabubuhayan ng loob si Batopik dahil sa mga librong pinopost mo. hahaha.. wala lang. xD

    Pahingi naman ako ng kopya ng Kung di Man, Barriotic Punk at tska Eric Slumbook. Hahaha. Nakakatuwa ang mga pamagat nila. Ayoss!!! xD bakit hndi ko iyan nakikita sa mga leading buk stors neyshonwayd? hekhek. xP

    Magandang araaaaaaww!!! xD

  2. kritikasatabitabi says:

    kay batopik,
    pede ba kitang i-link? natutuwa ako at naging interesado ka sa ilang libro. sana’y wag mo nang isipin ang…
    magbasa na lang tayo ng mga blog at mga librong nakakaaliw at ok na ok ang dating.

    sige, tatapusin ko ang mga listahang pinangako ko sa mga sumusubaybay sa blog na ito, tulad mo🙂

    –rhod

    1. kritikasatabitabi says:

      maraming salamat kenneth…hehehe ngayon lang ako nagkaroon ng panahon tumugon, sa dinami-dami ng inasikaso noong nakaraang taon. ‘pag makaluwag-luwag ihahabol ko ang para sa pelikula at musika bago matapos ang 2009. hehehe. musta kana?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s