boses at isip


ni rhod v. nuncio

 

Sa kawalan nagmumula ang unang usisa

Noong wisik nang wisik ng dagta ang isip

Katumbas ay bolang apoy, bulkang sumisirit

Ng anino, alaala, simula – langitngit ng boses

 

Nagtutunggalian ang boses at isip

Kung bakit hinahatak ng labas ang dila’t bibig

Wari mo’y pipi ang madla, loro ka ng iyong sarili

bawat sambit, nakaabang ang kuwago’t buwitre

 

Sa isip sumisisid ang pagkameron ng kawalan

Bantay-sarado ng konsiensiya ng ilang-ilang

Pahinto-hinto sa kanto ng harayang binabaybay

Sa isang saglit itutulak ng bibig ang lahat palabas

 

Nang humupa ang lahat, natambad sa malay

ang paghuhusga sa sandamukal na satsat ng siyudad,

kalam ng tiyan ng daigdig, bulong ng kuliglig sa tubig,

kasinungalingan pala ang iyong pagtanto’t tindig

 

boses at isip

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s