100 Pelikulang Filipino na dapat ninyong panoorin bago malaos ang DVD!


ni rhod v. nuncio

Naging matagumpay ang listahan ko ng 100 Kontemporaryong Aklat na dapat ninyong basahin bago kayo kunin ni Lord! kung kaya’t ginagaya na ito ng iba (may botohan pa ang isa). Katulad nang naipangako ko, ihahatid ko naman ngayon sa inyo ang listahan ko ng 100 pinakamagagaling at pinakapaborito kong pelikulang Filipino. Siyempre pa bago tumaas ang kilay at magmaktol ang mga kritiko, iskolar, artista, direktor at film outfits, gusto kong linawin na personal ko itong listahan. Ang Insiang ang una sa akin dahil sa maraming dahilan. Hintayin ninyo ang susulatin kong kritikal na papel tungkol sa pelikulang ito. Si Lino Brocka ang para sa akin ang (pinakang-) pinakamagaling na direktor na Filipino. (Sorry…Dexter Cayanes na maka-Ishmael Bernal!)

  1. Insiang
  2. Ganito kami noon, Paano Kayo Ngayon?
  3. Tinimbang ka ngunit kulang
  4. Himala
  5. Mga Munting Tinig
  6. Orapronobis
  7. Kakaba kaba ka ba?
  8. Maynila…sa kuko ng liwanag
  9. Tanging Yaman
  10. Panday (1-4)
  11. Sister Stella L
  12. Batch 81
  13. Oro Plata Mata
  14. Magnifico
  15. Minsa’y isang gamo-gamo
  16. Kubrador
  17. Darna
  18. Ang Dalubhasa
  19. Bata, bata paano ka ginawa?
  20. Bilangin ang butuin sa langit
  21. Shake Rattle & Roll 1
  22. Scorpion Nights
  23. Pasan ko ang daigdig
  24. Jaguar
  25. ‘Wag kang lilingon
  26. Kasal, kasali, kasalo
  27. Sakal, sakali, saklolo
  28. Bagets
  29. Jose Rizal
  30. Saan darating ang umaga?
  31. Kapag puno na ang salop
  32. Ang lalaki sa buhay ni Selya
  33. Ang tatay kong nanay
  34. The graduates
  35. Ligaya ang itawag mo sa akin
  36. Captain Barbell
  37. John en Marsha
  38. Batang Quiapo
  39. Anak
  40. May minamahal
  41. Ina kapatid anak
  42. Bituing walang ningning
  43. Bayan ko: Kapit sa patalim
  44. Ang hiwaga ng Ibong Adarna
  45. Dekada 70
  46. Working Girls
  47. Bagong buwan
  48. Scorpion Nights 2
  49. Muro ami
  50. Relasyon
  51. Feng Shui
  52. Curacha: ang babaeng walang pahinga
  53. Kalabog & Bosyo
  54. Babangon ako’t dudurugin kita
  55. Mang Kepweng
  56. Kahapon may dalawang bata
  57. JOLOGS
  58. Spirit Warriors
  59. Mano po 1
  60. American Adobo
  61. Crying Ladies
  62. Ang pagdadalaga ni Maximo Oliveros
  63. Tatarin
  64. Pila balde
  65. Machete
  66. Annie Batungbakal
  67. Mumbaki
  68. Dyesebel
  69. Inday bote
  70. Malikmata
  71. Bukas luluhod ang mga tala
  72. Isang bala ka lang
  73. Madrasta
  74. Ang tanging ina
  75. Once in a blue moon
  76. Milan
  77. Ako legal wife: Mano po 4
  78. Caregiver
  79. Kulam
  80. Bulaklak ng Maynila
  81. Soltera
  82. Dito sa pitong gatang
  83. Pik pak boom
  84. Pedro Penduko
  85. Miguelito: ang batang rebelde
  86. City after dark
  87. Facifica Falayfay
  88. Pare ko
  89. A very special love
  90. Estudyante blues
  91. Ouija
  92. Panaghoy sa suba
  93. Aishite imasu
  94. Natutulog pa ang Diyos
  95. Okey ka fairy ko
  96. Sarah, ang munting prinsesa
  97. Markova: comfort gay
  98. Dubai
  99. Wansapanataym
  100. Pinoy Blonde

Abangan:

100 buhay pang mga Filipino na dapat ninyong kilalanin bago kayo uli kunin ni Lord!

100 OPM na kailangan ninyong marinig bago kayo mabingi sa inyong I-Pod!

100 Pelikulang Filipino na dapat ninyong panoorin bago malaos ang DVD!

17 thoughts on “100 Pelikulang Filipino na dapat ninyong panoorin bago malaos ang DVD!

  1. dencios says:

    napadaan at namangha sa iyong 100 lista ng mga pelikula.

    Approve ako sa Himala ni Aunor, magaling talaga ang pelikulang iyan🙂

    -dencios

  2. Napanood o narinig na ba ninyo ang tungkol sa pelikulang ‘Sa Makalawa’ (o ‘Kamakalawa’ ba iyon?) Pantasya ito, mga late 70s o early 80s. Pinagbibidahan ni Christopher de Leon at Tetchie Agbayani. Bata pa ako nang una at huli ko itong napanood. Madalas banggitin sa amin dati ito ni Rene Villanueva sa isang klase niya sa children’s literature. Gusto ko sanang mapanood uli pero wala akong makitang kopya.

    1. kritikasatabitabi says:

      Hindi ko pa ito napanood. Kamakalawa ang titulo, 1981 ginawa at dinirehe ni Eddie Romero ayon sa imbd.com. Magtatanong ako kung meron ang mga kakilala ko ng pelikulang ito at sa UP Film Institute na rin. Babalitaan kita.

  3. napanood ko na ang kisapmata noong mahilig pa ang channel 2 sa mga klasikong pelikula pag mahal na araw. may pelikula rin si brocka na “tatlo, dalawa, isa.”

    maka-brocka rin ako.😉

  4. wena says:

    kwento: noong bata ako, fernando poe ang madalas kong panoorin dahil siya ang paborito ng auntie ko na mahilig sa sine. sinasama niya akong manood tuwing byernes ng gabi. double showing lagi ang sine noon sa amin sa san jose, mindoro. at syempre, apat ang sinehan doon dati at ang mga sinehang ito ay may mga tatak na ng klase ng pelikulang mapapanood mo. sa el mundo, bold lahat ng mga palabas (makamundo?) tapos sabi nila meron pang singit, sa leah PG naman ang kadalasang palabas, sa levi rama bakbakan at mga pelikulang GP, dito lagi bago ang pelikula, yung natapos ang ipalabas maynila pagkaraan ng isa o dalawang linggo. at sa golden gate madalas mga pelikula ni jacky chan. tapos may traysikel na umiikot sa buong bayan at sa mga kalapit na barrio, sinasabi kung ano ang palabas sa golden gate.

    ngayon, wala nang sinehan sa amin kasi lahat daw ng mga bahay meron nang dvd player at mura lang ang pirated na dvd, nalugi ang mga sinehan kaya nagsara. nalaos ang sinehan sa amin. yung levi rama theater e nagong jollibee na at yung leah ay naging hotel at ang golden gate ay naging department store. yung el mundo naging green cinema pero nagsara din.
    o, ayan, natsismis ko na tuloy ang bayan namin dahil sa listahang ito. pero syempre salamat listahan at nakita ko na marami pala akong dapat panoorin.

  5. rener says:

    Oy, maganda ‘yung kwenta mo, Wena. Naalala ko tuloy ‘yung Villa at People’s sa amin. Itong huli e naging Carmen, tapos Oromar, tapos, nasunog! Yung Villa, mga bomba ang palabas/sine, na may singit din daw. Maiging pag-aralan ang ganitong kasaysayan ng mga sinehan sa probinsya. Nawala na rin kasi ang mga sinehan sa amin, pero bago nangyari ‘yon, lumipat ng lugar ang Carmen, kaya naging tatlo ang sinehan sa amin. Saka naman may sinaksak ng patalim umano sa balcony ng Carmen. Nawala rin ang sinehan sa amin dahil sa pagkalugi – noong mauso na ang mga DVD at cable movies. Ang dating kinatatayuan ng Villa ay Seven-Eleven sa isang matarik na gusali na ngayon, ang Carmen ay naging hilera ng mga tindahan na bilihan ng mga batang nasa elementarya, dahil malapit sa Nasugbu West Central School. Ang mismong Carmen naman ay naging hardware store, may mga building supplies. Natatandaan ko noon na kapag Linggo, ang mga taga-bukid sa paligid ng bayan namin ay “lumulusong sa Bayan” para manood ng sine, nakapomada at polong makikislap ang mga lalaki at bihis na bihis ang namumula sa koloreteng kababaihan. Sumisigaw sila sa loob ng sinehan sa mga kapanapanabik na bahagi ng sine, “Dalee, Velma, dalee!” May pumipito pa, at pumapadyak ang libo-libo yatang paa sa balcony ng sinehan. Masurot nga ang sinehan at bentilador lamang ang gumagana sa may kadilimang sinehan. Pami-pamilya ang nagkikita sa mga pagitan ng “The End” at panimulang trailer ng sine – mga iniilawang bahagi ng pagpapalabas – kung kailan walang tigil ang paglinga at pagbabatian nang lahat. Alam na alam din namin noon ang papunta at galing sa sinehan – nakapolbo pero may dalang abaniko, at malimit, amoy-sigarilyo.

  6. pedro says:

    Ang serye po ba ng Panday ay tinitingnan bilag isang pelikula? Kung hindi higit 100 pelikula po ang nakalista rito. Nangangahulugan po ba na pare-pareho ang kagalingan sa naratibo, aspetong teknikal, at entertainment value? kumusta po kay Beth.

  7. I’am rosalie ibuna isa siguro ako na admire ng sobra sa pinukolang pilipino lalo na yung mga sinauna pa para sa akin isa itong yaman ng ating cultura at talagang maasarap balik balikan at bukod pa dun lahat ng aartista mga natural ang ganda di tulad ngayong henirasyon.maabuhay sanaa palaagi ang pinikulang pilipino!!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s