Carpe Annum!


Ang taong lumipas – 2009! Punumpuno ng alaala, pagtatangka, hamon, sigasig ng adhika, pakikipagsapalaran, kabiguan, tagumpay. Lumipas na ang mga ito at nasa harapan ko ngayon ang panginorin ng kasalukuyang taon. Bagaman, siklo at tila pang-araw-araw ang buhos ng pangyayari sa atin, kailangang pa ring lumitaw ang natatanging tala/dahon/pilas ng ating alaala para tumayong karugtong ng ating binubuong pangarap. Kapag bagong taon, mayroong nakatanghod sa kawalan, sa malawak na kawalan ng pagpapaubaya – magiging maayos din ang lahat, hayaan mo’t may bukas pa. Sa marami naman, ang bawat araw ay kabuuan ng marami pang araw para kumita ng pera. Aalombaga’y mahalaga’y may halaga ang bawat oras sa isang araw para sa kikitain ko dahil kung hindi’y walang kuwenta ang araw na ito. At walang kuwenta ang buong taon, kung ang naikukuwenta’y pulos utang, bale at pakiusap sa bumbay at hindi ang sosobra sa kita, ang salaping magpapaligaya nang saglit, kaunting sandali sa pana-panahong bugso ng mga okasyon sa buong taon. Kahit na ba, sobra ang utang sa kita basta may credit card naman – ayos na ang buto-buto!  Iilan marahil ang may kumpletong listahan ng gagawin sa buong taon – engrandeng mga pangarap na tutupdin ngayon, sa panahong hinog na – basta sa taong ito. Marahil ang mithiing makabili ng kotse, makakuha ng lote, makapagpatayo ng bahay, makapunta sa disneyland, makapasyal sa iba’t ibang sikat na puntahang panturista sa Pilipinas at kung kaya pa sa ibang bansa. Bakit hindi, sa buong taon, maaari namang mangarap.

(may karugtong)

Carpe Annum!

One thought on “Carpe Annum!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s