Tungkol sa blagista

Si rhod v. nuncio ay basa nang basa tungkol sa teoretikal na pisika, astropisika, astronomiya, espionage thriller, at sci-fi na hindi mga sikat sa panulatan at panitikang Filipino. In short, walang Pinoy na sikat sa mga paksa/genre na ito. Bakit kaya?

Paborito niya sina Einstein, Hume, Kant, Derrida, Foucault, Weber at Marx at sina Fanny A. Garcia, Lualhati Bautista at Ruth E. Mabanglo bilang mga manunulat. Mahilig siyang manood ng sine at tv, mag-internet at makinig ng musika. May mga koleksyon siya ng kanyang mga pininta noong hayskul at kolehiyo na napunta na sa iba’t ibang humingi nito. Inaatupag minsan niya ang paglikha ng digital art o artifisyal na sining. May mga koleksyon din siya ng mga tulang hindi pa inililimbag at hindi pa isinasali sa mga kontest dahil trip niyang huwag na lang dahil sa literi kulto. Marami-rami na rin ang mga kalat-kalat na sinulat tungkol sa kung ano-ano na iisa-isahin niyang ilagay sa blog na ito.

Mateorya si rhod kaya hindi siya naiintindihan ng marami, liban na lang kay beth na marunong sumakay sa trip niya. Dahil si beth lamang ang nakasabay sa pagteteorya niya, nagka-crush siya rito at tuluyang ini-stalk hanggang sila ang nagkatuluyan. Opo, theoretical stalker siya! Sa UP M.A. classes lahat nangyari yon, from Diliman to Tandang Sora and vice-versa with love. Kinasal sila sa kaduda-dudang pari sa San Beda  noong 2002. Mayroon na silang anak na si Karl Angelo na hango ang pangalan kina Marx at Engels – sa pangalan ng aming anak nagkatuluyan ang dalawa!

Si rhod ay pilosopong Bedista, radikal at dating unyonista. Tanging sa DLSU may industrial peace kaya nagretiro o pansamantalang tumigil sa pag-uunyon. Natapos niya ang kanyang MA at PhD sa loob ng walong taon, mas mabilis si beth. Pareho silang kumuha ng Philippine Studies na magkaiba ang espesyalisasyon. Kay rhod ang sosyolohiya, aralin sa sining, literatura at kay beth naman ang antropolohiya, kasaysayan at literatura.

Nasa yugto ngayon ng kabaliwan si rhod sa pagririserts sa DLSU, sa hindi matapos-tapos na URCO riserts dahil sa kaliwa’t kanang obligasyon. Bagaman ganito ang estado ng isip niya, wala siyang kapagurang mag-isip nang mag-isip hanggang maisakatuparan ang mga ito sa totoong pagkakataon at sa totoong lokasyon.

Pangarap niyang maging mahusay na rebolusyonaryong palaisip na ang lahat ng iniisip ay nakasulat sa Filipino dahil gusto niyang maging sikat ang wikang ito sa buong mundo pagdating ng panahon, kasama na siyempre kung anoman ang isusulat, ihahayag at ipaparating gamit ng wikang ito.

muli’t muli yan si rhod.🙂

(maaari ninyo siyang sulatan sa dalumatgahum@gmail.com o tawagan sa 5244611 loc. 328)

7 thoughts on “Tungkol sa blagista

  1. Nakakatuwa naman kayo ni Beth. stalk stalk.. hakhak!

    Pareho po tayo, yung mga pininta o iginuhit ko noong hayskul ay napunta sa mga nanghingi.. hehehe.. =P mahilig din ako sa mga akdang Pinoy na hindi sikat. la lang.

    Mabuhay ka kuya rhod! xD hakhakhak!!! at may tel. number pa ah. hakhak!

  2. ayie says:

    hi tatay!

    natutuwa ako at minsan sa buhay ko ay nakilala kita, si nanay beth at kuya karl.

    sana ay huwag kang magbago dahil bihira na ang tulad mong isang talentato, prinsipyado at mabuting tao (pasensya na sa mga pang-uring walang uri…)

    misyu po!

  3. kritikasatabitabi says:

    kay batopik,
    hehehe, siya lang naman ini-stalk ko at wala nang iba. maraming salamat sa iyong pagbisita🙂

    kay ayie,
    maraming salamat sa iyo, musta na rin ang beybi mo?
    ano balita sa iyo? sana’y magkita-kita uli tayo sa depto.

    –rhod

  4. hi rhod, tama ka _ teoretikal na pisika, astropisika, astronomiya, espionage thriller, at sci-fi na hindi mga sikat sa panulatan at panitikang Filipino. may malalim na dahilan po yan, matagal ko na ring iniisip, bakit kaya naging pambansang alagad natin si balagtas na napakakorni, anti-masa, hindi po ito paghamak nang personal kay balagtas, mahusay naman talaga siyang makata, pero hindi siya henyo, kundi magaling siyang makata na produkto ng kulturang dala dala ng krus ni magellan, isang kulturang kristianong katoliko, na siyang dahilan kumbakit malayo ang pantikang filipino sa mga paksaing natural at makaagham. mukhang may pareho tayong iniisip – iniimbita ko po kayong silipin ang kuntra krusada, at sana ay magkomentaryo ka rin tungkol sa site na ito, salamat po

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s